Get InLove III

68 5 0
                                    

Didn't Expect★

~~~

Maaga akong pumasok para pumunta sa library, kailangan ko mag advance ng lesson lalo na sa history namin..


Kaso, sarado pa ang library.. Hayss.. Babalik na nga lang ako sa room.. Pagkauwian nalang..

Naglalakad ako sa corridor buti nalang wala pang masyadong studyante..

"Looks who's here" rinig ko, kaya nag angat ako ng tingin . nakita ko si lyka na may dalang incan na soft drinks kasama yung dalawang asungot niya..

Nakakainis tong babaeng toh.. Pinapaalala nanaman yung bente ko huhu..

"The Garbage!!"

Hindi ko pinansin yung presensiya niya kaya.. Tuloy tuloy lang ako sa paglakad..

Kaso ang epal parang lintang dumidikit..

"Opppss!!" Sabi niya.. Ibinuhos niya sa akin yung soft drinks na hawak niya..

Shete!! Ang dumi na ng uniform ko..

" akalain mo yun nagiisa ka.. Wala kang kasama" - lyka

Bobo ba toh? Nagiisa na nga ako .. Sinabi pang wala akong kasama.. -_-

"Bakit may nakikita ka bang kasama ko? " sarcastic kong sabi tsaka ako nag lakad.

Kaso linta nga.. Aba hinarang ako..

"Sumasagot ka pa huh!" - yung kasama niyang isang asungot.. Tsaka ako sinabunutan..

"Aray..!! Bitiwan mo nga ako" sabi ko habang kumakawala..

"Dapat lang sayo yan dahil sa pang aahas mo kay Riyho.. Akala mo hindi namin makikita yung ginawa mo kay Riyho huh!!!" Sabi ni lyka habang dinuduro duro ako..

" aray.. !! " daing ko..

"Tama na yan shakira bitawan mo na siya. Nasasaktan na siya" sabi nung isang babae..

" shut up shanna!! Gusto mo ikaw saktan namin?" Mataray na sabi ni lyka..

" ikaw bitch ka!! Basura ka lang dito huh!! Wag ka mag feeling dahil wala ka namang maipagmamalaki.."

"Wala akong G-- Aray!! Masakit na ah!!" sabi ko dahil lalong hinigpitan ni shakira yung pagkasabunot niya..

" hoyy!! Inutil .. Anong tinatayo tayo mo diyan.. Aba.. Kunin mo yung bag niya.. At ihagis mo para may silbi ka naman!!" Utos ni lyka kay shanna..

"Pero--" -shanna

"Anong pero huh!! Gusto mo itry ko muna sayo!!" Sigaw sa kanya ni lyka..

Kawawa naman tong babaeng toh. Sunod sunuran sa Dimonyitang toh!!

Dahan dahan lumapit sa akin si shanna, dahan dahan niya ring tinanggal yung bag ko sa likod dahil bag back gamit ko..

" ang bagal !! Walang silbi!!" Sabi ni lyka sa kaniya.. Mabilis na hinila yung bag ko "Aray!!!" Sigaw ko.. Nakita kong Hinagis niya yung bag ko.. Halos yung mga notebook ko nagkalat sa corridor..

"Ilan palang yan sa mga mangyayari sayong bitch ka!! Kaya layuan mo na yung 5R! Lalo na si Riyho!! " Pagkasabi niya nun, bigla niya akong sinampal.

Shete!! Hindi ako ready doon.

Ahh, isa nalang humanda kayo sa akin.. Kanina pa ako nag titimpi eh.. Porket anak ka ng Gobernador, Demonyita ka!!

Bigla akong tinulak pabagsak ni shakira kaya.. Bumalagbag ako sa simento..

Napadaing nalang ako sa sakit, yumuko ako tsaka ko pinagpupulot yung gamit ko sa sahig.. Nahihiya ako kasi nakita ng mga studyante sa corridor yung gamit ko, yung mga notebook at ballpen nila branded, samantala ako ballpen ko tag lilimang piso at yung notebook ko may picture pa ni Darna at Dysabel yung cover.

GET IN LOVEWhere stories live. Discover now