Get In Love VI

37 4 3
                                    

★Strum Of Life★

~~~~~

"Hayyysss!"

Ilang beses na akong napapabuntong hininga pero hindi ko parin maintindihan ang sarili ko,

"Hayyyyyyssss!"

May mga bagay talaga sa mundo na hindi mo kayang ipaliwanag, minsan hindi sapat ang mga salita para e-discribe yung nararamdaman mo.
Hanggang ngayon na guguluhan ako sa sarili ko,
Naranasan mo na ba na pagkagising mo sa umaga malungkot ka pero di mo alam ang dahilan? Ako? Oo, madalas pero ngayon parang kakaiba parang disappoint na disappoint ako, hindi ko talaga alam kung bakit.

Naglalakad ako sa corridor ngayon papunta sa room namin, pag angat ko ng ulo ko nakakita ako ng babaeng naka sumbrero,
uso ba yan ngayon? Teka! Parang pamiliar yung sumbrero ah!
Tama!! Siya si ateng nakalaglag ng panyo sa convience store.

"Ate!!" Sigaw ko
Napatingin lahat ng studyante saakin sa corridor kaso si ate snob, famous ata!

"Ate!! Ate!! Miss! yung naka sumbrero!"
Lumingon si ate kaso saglit lang tsaka naglakad ng mabilis

"Miss wait lang!" This time tumakbo na siya kaya napatakbo narin ako,

Sinundan ko siya, ang bilis niyang tumakbo hinihingal na ako parang malalaglag panty ko wala pa naman itong garter Joke! Biglang lumiko si ate kaya lumiko din ako,
Pag liko ko C.R pala, tumigil ako ng saglit dahil hinihingal na ako, nang medyo humupa na bubuksan ko na sana yung C.R. nang biglang may kumalabit saakin.

"Ayy!! Palakang may peklat"
Halos mapatalon na ako sa gulat!

Pagkalingon ko si Rica pala

"Bakit ka naman nangugulat?" sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko

"Grabe! Priceless yung itsura mo kanina haha, hindi naman kita ginulat ah" sabi niya

"Bakit biglabigla kang nangangalabit?"

"Tinawag kita kanina kaso di ka lumingon kaya kinalabit kita, anong ginagawa mo dito? Mag c-C.R. ka ?"

"Hindi may sinusund~~~"

"Heyyy!! Airiel, Rica mag c-C.R. kayo?" Tanong ni Yasha na kakalabas lang sa C.R

"Ako hindi, nakita ko lang si Airiel dito" sagot ni Rica

"May nakita ka ba na babaeng pumasok  dito sa C.R. na naka sumbrero?" Tanong ko kay Yasha

"Hmmmm...Wala naman? Bakit?"

"Kasi pumasok siya diyan kanina eh"

"Sino ba yun?" takang tanong ni Rica

" Tara na baka mahuli na tayo sa klase " sabi niya Yasha sabay tingin sa relo niya na mamahalin "Gosh 7 o'clock na, yari tayo si Mr. Yumang pa naman yung first subject natin, Tara na "

Tumakbo kami papuntang classroom, naabutan pa namin si Yumang na paakyat na, kaya sa kabilang hagaadan kami dumaan para hindi namin siya makasalubong , pumasok kami sa room na hingal na hingal.

Natapos na rin sa wakas ang klase, gustong gusto ko na rin umuwi dahil parang hindi maganda ang pakiramdam ko, na una nang umalis yung 5R dahil marami pa daw silang gagawin, nang paalis na rin ako, may mga impaktang humarang sa daan ko,

"Heyyy!! Where are you going?" Tanong ni lyka
"At our House" sagot ko, ginaya ko pa yung tono ni Dora, kahit wala ako sa mood pero parang gusto ko mangasar haha

Ngumisi siya sa sagot ko, "Oh.. It won't happend" pag kasabi niya nun inabutan ako ni shakira ng walis tambo

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko, tumawa naman yung mga impakta

GET IN LOVEWhere stories live. Discover now