Get In Love V

57 5 0
                                    

★The Book★

~~~~~~~~~

Papasok na sana ako ng bigla akong tinawag ni ate celling..

"Airiel!! Nag txt pala mama mo kanina, magpapadala na raw siya" sabi ni ate celling

"Salamat ate, Sige papasok na po ako" sagot ko

Hayyysss salamat makakapagpadala na si mama, dapat siguro bilhan ko na ng sim card yung 3315 na binigay saakin ni ate celling para doon nalang itext ni mama yung account number..

Dumaan muna ako sa tindahan para bumili ng sim card ..

Seventy pesos nalang pala ang pera ko. Hayysss..

Tinaktak ko yung wallet ko baka may naipit pa na pera kaso wala.. Ayun umasa nanaman ako, Pati ba naman pitaka ko pinapaasa ako!!. Sarap talaga umasa lasang Hopia JOKE

Hindi bale nalang, ibibili ko nalang yung sevente pesos ko ng simcard may matitira pa naman nang pang pamasahe, papasok at pauwi .. Magpapadala naman si mama ngayon eh.

Pagkabili ko ng sim Tenetext ko agad si mama dahil may free text pag bagong bili yung Sim card,

Compose: Hi po!

*message sent*

Text ko kay mama tsaka ako sumakay ng jeep.

Mamaya maya biglang nag vibrate yung cellphone ko

Kinuha ko yung phone ko sa loob nagbulsa ko tsaka inilagay sa loob nag bag ko para hindi makita ng mga nakasakay sa jeep. Hiyang hiya naman kasi ako sa mga cellphone nila na touchscreen na naka balandra noh..

Message Receive : Hu u?

Reply ni mama

Compose: Si Airiel po ito ma, nakabili na po ako ng bago kong sim card, text text po tayo.

*message sent*

Nasa campus na ako ng magtext ulit si mama.. Kaya tumingin muna ako sa paligid ko kung may tao ba, buti nalang wala masyado kaya kinuha ko yung phone ko sa bag.

Message Receive: okey aNak, W46 mUn4 tay0 m4gtexttextz 4h !! B.z pah aqoh, m4gpapadala aqoh ng4yon itetext kit4 m4maYa kas4ma aCcoUnt nUmBer.

Binasa ko yung text ni mama, grabe!! Naloka ako jejemon pala nanay ko .. Huhuhu ang hirap intindihin.

Hindi ko na ni replyan si mama baka masiraan ako ng ulo sa kakaintindi ng text niya. Kaya pumasok na ako.

Kalahating buwan na ako ngayon dito sa academy na toh.

Buti nalang humupa na rin ang issue sa pagitan namin ni Mr. Yumang dahil wala na akong naririnig na tsismisan sa mga tsismosa kong mga kaklase.

Naging mapayapa yung buong discussion namin sa lahat ng subject.

Except nga lang kay Yumang na lagi ako ang trip. Buti nalang nasasagot ko.

Halos kaming dalawa lang ni riyho ang studyante niya dahil kaming dalawa ang binabato niya ng tanong..

Sabi nila rica at yasha, insecure lang daw talaga si sir dahil galit sa matatalino..

Hindi kami nakapagusap nila rica at yasha ngayon dahil marami daw silang gagawin since President ng student council si Rica at si yasha naman ay hindi ko alam kung bakit.

Si riyho namn kanina pa nag kakalkal ng bag niya halos pag binabalik niya sa bag niya yung gamit niya sobrang ayos as in may alignment,

Siguro pati brief nito sa kabinet niya may nakasulat ng Monday to Friday.

GET IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon