Sorry... Chapter 22

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinearch ko yung apelyido niya sa Friends List niya!

Wow! Iilan lang yung friends niya na ka-apelyido niya, so I assume na halos lahat yun kamaganak niya! Umatake na naman ulit ang pagiging stalker ko! Chineck ko talaga isa isa lahat ng kaapelyido niya sa friends list niya, tutal kokonti lang naman yun! :)

Nakita ko yung kapatid niyang may birthday, at dun ko lang nakitang tiga Samar pala sila! Cool! Ang layo pala ng probinsya niya! Tsk. (Makapunta nga dun! Haha.) Ang cute kasi kamuka niya yung kapatid niya! (Malamang kapatid nga nya eh!)

Nakita ko din si Ate! (Eto na naman ako eh! Nakiki-ate naman ako!) Same school pala si ate, kaso si ate graduate na. At nakita ko din na mas matanda pa si ate sa akin! -___- Pakiramdam ko ang tanda ko na tuloy! Tsk.

Hanggang sa antukin ako, naging stalker niya ako! Kasi pati tatay niya nakita ko yung Facebook. -___- (Meeting the family! Hahahaha)

After 2 days…

 

2 days kaming hindi naguusap, busy siguro siya. Sanay na ko sa ugali niyang ganun. Haha.

Nagtatype lang ako ng story ko, pag walang magawa. Ayoko din kasing mangulit. Baka mairita siya sa akin at baka hindi na niya ko replyan! Ang lungkot nun pag nagkataon.

Bigla kong naisip, ano kayang perfume ang gamit niya?

So right away naisip ko siyang tawagan.

Calling Andrea…

 

Ring ring ring…

 

Hindi niya sinagot. Tinignan ko yung oras 2pm pa lang ng hapon, alangan namang tulog to. Hmmmm.

Message: 1

From: Andrea

-Why?

 

-Gusto ko lang itanong kung anong perfume gamit mo. :)

 

After minute nagreply siya agad.

-You woke me up just for that?!

 

Nagulat ako sa replt niya. Actually natakot ako. Kaya nagreply ako agad.

-Sorry I didn’t know you were sleeping.

 

Kinakabahan ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko, after this hindi na talaga siya magtetext sakin.

What was I was thinking? Bakit ba hindi na lang ako nagtext. Bakit tumawag agad ako. Nagising ko tuloy siya! Kainis! Bad shot!

Ilang minuto na nakakaraan pero wala pa din akong natatanggap na reply sa kanya. Tuluyan na ata talaga siyang nagalit. :(

Daig ko pa ang natalo sa sugal ngayon. Naiinis ako sa sarili ko. Naiiyak ako. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Ang alam ko lang nalulungkot ako.

Nagtry ulit akong magtext sa kanya…

To: Andrea

-Please wag kang maglit sa kin. Sorry talaga, hindi ko sinasadyang gisingin ka.

Pero as usual wala pa ding reply! Haaaaay. Ayoko ng ganito. Ang hirap! Ayoko ng may galit sa kin, lalo na kung siya yun!

Lumipas ang oras… Natapos ang trabaho ko, wala pa din siya text.

Sunday ngayon, kaya eto ako papunta sa church. Madalas akong nagsisimba kapag Sunday. Hindi siya routine na kelangan kong gawin. I go to church to talk to God.

Habang nasa mass. Hindi pa din siya mawala sa isip ko. Hindi ko pa din maalis na baka talagang mawala na siya. Ayoko… Hindi ko kaya…

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon