Gone 4

493 28 10
                                    

As promised...hope you'll like this. I would also like to apologize for my schedule's really hectic. Please don't remove this on your reading lists :((( see the mm and listen to it. It made me emotional.

***

Six months and three weeks na si Baby Jongsoo ngayon. Halos dalawang buwan na lang at manganganak na ako. Tatlong araw nang wala si Krystal dahil umattend siya ng isang workshop sa WOLF Academy (School of Arts). Gusto daw palang mag-artista ni Krystal kaya sa ganoong school siya pumasok. Ibig sabihin, kami na lang ulit ni Jongin ang magkasama.

Pero, wala pa siya. Nagpaalam kasi siyang pupunta daw muna siya sa isang convenient store. Ako lang mag-isa ngayon kaya nakakabagot talaga. Naisip kong tawagan muna si Baekhyun. Kakamustahin ko lang yun.Halos isang buwan na din ang nakalipas mula nung huli naming pag-uusap.

[Yeoboseyo?]

"Hello, Baekhyun?"

[Kyungsoo? Ikaw ba yan?]

"Oo. Bagong gising ka noh?"

[Oo eh. Pasensya. Bakit ka nga pala napatawag?]

"Wala naman. Gusto sana kitang kamustahin."

[Okay lang ako Kyungsoo. Mas masaya pa ako sa masaya ngayon.]

"Anong ganap?"

[Kami na ni Chanyeol, pero di pa official.]

"Ano? Ang gulo mo naman."

[Mahirap talaga intindihin Kyungsoo. Pero, alam kong nagkakaintindihan na kami Chanyeol. Ang alam ko lang ngayon ay masaya ako at nararamdaman ko ang pagiging buo. Ikaw Kyung? Musta na?]

"Masaya akong masaya ka Baek. Ako? Well, may hindi talaga ako naikekwento eh."

[Ay! Madaya ka! Ano yun ha?]

"Si Jongin. Boyfriend siya ng kapatid ni Yixing hyung. Kaya, dito rin nakatira si Jongin. Nasa iisang bahay kami. At, alam na rin niya na siya ang ama ng dinadala ko. Gladly and fortunately, tinanggap naman niya."

[Di ako makapaniwala Kyungsoo! Hanggang Busan malandi ka!]

"Gaga! Pinagtagpo lang kami ng tadhana."

[Eh, paano yung girlalu? Yung jowa ni Jongin? ]

Inilapag ko muna yung telepono ko sa dining table at ni-loudspeaker ito dahil kukuha ako ng tubig. Medyo nauhaw ako eh. "Ah yun ba? Mabait si Krystal kaya nga di ko pa masabi sakanya dala nitong konsensya ko."

[Ano naman ang status NIYO ni Jongin?]

"Kami? Nakakatawa ka talagang bakla ka! Walang kami. Pero may karapatan siya sa anak namin. Wala akong balak agawin siya kay Krystal. Pinatawad ko na rin siya. Okay na maging magkaibigan man lang kami para sa anak namin."

[Pak yan bakla! Ikaw na talaga ang martyr ng taon. Oh, basta pag may-UY KYUNGSOO ANO YAN?! MAY NABASAG BA?! ] Bigla kasing nadulas sa kamay ko yung basong iniinuman ko. Masama ang kutob ko. Dahil hirap akong yumuko, dahan-dahan lang ang pagpulot ko ng mga bubog.

"Kalma lang Baek."

[Mag-ingat ka naman. Osha, baba ko muna 'to ha? May tumatawag kasi sa telepono eh. Basta, pag may problema ka, wag kang mag-alinlangang tawagan ako. Labyu Kyung! Bumalik ka na dito sa Seoul! HUHUHUHU!] Natawa naman ako sa asal ni Baekhyun.

"Oo. Two months na lang, Baekhyun. Sige. Liligpitin ko pa 'tong mga bubog. Love you so much baks!" at binaba ko ang tawag. Kumuha naman ako ng walis para simulan ng linisin yung ga bubog.

Saranghae Bbuing!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon