Chapter LIV - I'll Be There For You (Part I)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Okay class, keep quiet now!"bungad niya sa aming lahat na siya namang nagpatahimik sa maiingay kong mga kaklase.

"Ms. Quizon, kindly check the attendance."sabi niya dun sa class beadle namin at agad naman itong sinunod ang utos niya.

"Okay, our lesson for today is about ..."

Hanggang sa nagsimula na nga ang klase namin at nagdaan na rin ang 1st and second period ay hindi ko pa rin nakita ang anino ni Jin Ren ko. Asan na kaya yun?

------------------

"Best friend, tara na't mag-recess na tayo!"Paanyaya pa sa akin ni Heina.

"O-ohh, sige!"sagot ko naman.

"Ayos ka lang ba? Mukhang kanina pa kita napapansin na wala sa sarili ah?"nag-aalalang tanong sa akin ni Heina.

"Ayos lang ako."balik-sabi ko naman sa kanya. Pero ang totoo ay nag-aalala ako para kay Jin Ren ko. Paano ba naman kasi, kagabi ko pa siya hindi makontak tapos ngayon naman hindi ko siya nakita. Hindi ko alam kung nasaan na siya o kung ayos lang ba siya.

Hindi naman na nangulit pa si Heina hanggang sa nakarating na kami sa cafeteria. Pagdating namin dun ay agad akong tumingin dun sa table nina Jin Ren ko, na siyang lagi nilang ino-occupy. Bagamat, gaya nga kanina'y wala rin, hindi lamang siya, kundi pati sina Alexis at Raven.

Hay, nag-aalala na talaga ako para sa kanya. At saka isa pa, may mahalaga pa naman akong itatanong sa kanya dahil nasasabik na nga akong sabihin kay Heina na sinagot na ako ni Jin Ren ko eh. Kaya lang di ko pa masabi kasi nga, kailangan ko pang tiyakin na hindi nga niya ako niloloko.

Lord, wag niyo naman po sanang hayaang may mangyaring masama sa kanya. Ni hindi ko pa nga po  nakumpirmang kami na talaga eh,tapos hahayan niyo na siyang mapahamak!

Nag-order na kami ng pagkain. Ang takaw-takaw talaga ni Heina. Recess palang naman sana, pero siya meals na ang inorder niya. Mukhang magla-lunch na ata to sa lagay niyang yan!

"Seriously Yuri, spill it out! Ano bang bumabagabag sa isipan mo?"nag-aalalang tanong ni Heina sa akin the moment na umupo kami. Tila'y naiinis na rin yata siya kasi kanina pa niya ko tinatanong, ngunit hindi ko naman siya sinasagot.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Syempre, matitiis ko ba naman tong best friend ko?

"Ano kasi oh..."paninimula ko pa.

Siya naman ay tutok na tutok sa akin at handa akong pakinggan sa mga sasabihin ko.

"Si Jin Ren ko kasi, kagabi ko pa siya sinusubukang kontakin pero di ko siya makontak. Tapos ngayon naman hindi siya pumasok. Nag-aalala ako, baka kasi may nangyari nang masama s---"

Bago ko pa man natapos ang mga sasabihin ko ay napatigil na ako nang bigla akong hampasin ni Heina sa ulo.

Langyang babaeng to oh!

"Aray!"reklamo ko pa. Eh ang sakit kaya nung paghampas niya.

 "Hay, kahit kailan talaga hindi ka nag-iisip ng matino kapagka si Ren na ang pinag-uusapan."gatong niya pa sa akin.

Nag-pout lang ako habang hinihimas-himas ko yung ulo ko. Gumulo pa tuloy buhok ko.

"Alam mo, hindi mo naman kailangang mag-alala agad eh. Malay mo may importante lang na inasikaso! Kita mo oh, pati nga yung dalawang kumag na kaibigna niya'y wala rin."pahayag pa ni Heina sabay turo dun sa malinis  na table nina Jin Ren ko..

"Argh! Nakakainis kasi siya, kung kailan may importante akong itatanong sa kanya, saka naman siya hindi nagpaparamdam!"bulong ko sa sarili ko habang dumadabog-dabog pa.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon