"Take cover!" sigaw ko agad sa mga kasama na agaran namang tumalima.

Umulan ng bala galing sa mga kalabang hindi namin kilala. We shouldn't take the situation we're in lightly. This is far too different from our previous encounters.


"Mukhang may nakabangga tayong bigatin?" sigaw ni Jiro mula sa pinagkukublian.


Boses ni Zach ang sunod kong narinig sa gitna ng ingay ng mga pinakakawalang bala. "Anak yata ni Mayor-ni Congressman- ni Governor?"


Everyone seemed to have hidden in different places due to the sudden attack that separated us.


"Khaos, you're not dead are you?"


"Still fucking breathing!" tugon ko kay Gerard na sinagot lang nito ng tawa.



Sandaling natigil ang pagpapaputok. Natahimik ang paligid hanggang sa boses ng isa sa mga lalaking de baril ang umalingawngaw. "Gustong makipagkasundo ng boss ko."


"We're listening!" Si Gerard ang sumagot.


"Ang leader n'yo kapalit ng buhay ng lahat ng miyembro n'yo," dugtong ng lalaki.


"Say to your boss he can rot in hell! Fuckers!" agad na ganti ni Gerardine.


"You pretty much heard our answer," natatawang pumangalawa si Gerard.


Naikuyom ko ang kamao. "I'll oblige," buo ang desisyong sigaw ko bago lumabas sa pinagtataguan.


Wala kami sa posisyon para magmatigas. Hindi namin kayang sumalubong ng mga bala.


"Khaos, ano'ng ginagawa mo?!"


"May iba pang paraan, K!"


I marched toward the enemies, not minding the twins disagreement. Naiinis ako sa sarili, hindi ko naisip ang posibiliad na pwede kaming maharap sa ganitong klase ng sitwasyon. Naging pabaya ako.


Halos sunod-sunod na naglabasan sa kanya-kanya nilang pinagtataguan ang iba pa. Pagmasdan na lang ang halo-halo nilang ekspresyon ang tanging nagawa ko.


"'Wag n'yong subukang sumunod!" asik ng armadong lalaki sa mga kasama ko bago ako nito itinulak papasok sa van na kapaparada lang sa likuran namin.


"As if you can stop us?!" Patakbo na sana si Gerardine papunta sa 'kin kung hindi ko pa nasensyasan si Gerard na pigilan siya.

Power Within II: Bound by a Promise(Under revision)Where stories live. Discover now