"Nakapatong sa 'yo?" she giggled, her elbows leaning on my chest with all her weight comfortably lying on me. "Kanina pa 'ko sa ibabaw mo, ngayon mo lang napansin?"
"Doesn't matter. Just get off."
"Sabihin mo nga, ano bang ayaw mo sa 'kin?" Her hand started to make its way inside my shirt.
"Not this again," reklamo ko habang pinipilit siyang alisin sa pagkakakubabaw sa 'kin. "Maraming beses na nating pinag-usapan 'to."
"Seryoso ako sa 'yo."
"You're like a sister to me," paliwanag ko pagkatapos niyang makipagtitigan ng ilang segundo.
Lahat sa Se7en, kapatid ang turing ko.
Imbes na lumayo, mas isinandig niya pa ang sarili sa 'kin. "Stupid, I already have a brother!"
"I can see that my sister is trying to seduce you again." Gerard said, gazing down at us.
Nang malingat si Gerardine dahil sa biglaang pagsulpot ng kapatid, mabilis ko siyang inalis sa pagkakapatong sa 'kin. Napanguso na lang 'to nang makatayo at makalayo na 'ko sa kanya.
"There, there, little sis." Gerard consoled his twin by patting her head. "By the way," baling na nito sa 'kin. "I received a message from an unknown number saying he wants a piece of Se7en," dagdag paliwanag niya habang ipinapakita sa 'kin ang mensahe.
Just what I exactly need to take my mind off things.
Isang oras din ang inabot bago namin narating ang lokasyon na nasa mensahe.
"The place is perfect for a date." Gerard joked as he kicked the rusty gates open of the abandoned steel factory in front of us.
Nauna akong humakbang papasok. The others kept chattering as if we were in a field trip. As we continued walking, we reached a big lot occupied with trash metals, huge steel containers, and rusty trailers.
"Kids, we have company," nakangiting pukaw ni Gerard sa mga nagkukuwentuhan nang biglang sumulpot ilang hakbang sa harap namin ang limang lalaki.
All of them are wearing black suits. They don't look like members of a gang.
"Kayo na ba ang Se7en?" tanong ng nasa gitna.
"What if we are?" maangas na sagot ni Gerardine rito.
"May gusto lang ipaabot ang boss ko." Sabay-sabay inilabas ng mga lalaki ang nakasukbit nilang baril at nagpaputok.
YOU ARE READING
Power Within II: Bound by a Promise(Under revision)
FantasyI always have this vague dream, of me dying-and of a girl without a face who keeps on calling me a name I've never heard of. Sequel of Power Within Book I: Fated to Meet
IX: RESCUED
Start from the beginning
