Ang Kwento Nating Dalawa (9)

5.4K 330 79
                                    

It's been days since Glaiza and I had a talk. And I tried to be as strong as possible. I still do the things that I usually do, wala akong binago sa daily routine ko. Yes, I cried moment I got home after that heartbreaking conversation with her. Umiyak ako hanggang sa wala ng luhang pumatak sthea mga mata ko. But when I woke up the next morning I decided to shut everything out, including my feelings. Ayokong kaawaan ako ng mundo, sapat ng ako na lang ang maawa sa sarili ko.

I showed everyone that I'm fine. I chose to show them the unaffected side of me. Alam kong alam na ng buong barkada ang nangyari sa pagitan namin ni Glaiza base na din sa obvious na simpatya at atensyon na ibinibigay nila sa'kin pero kasabay nun alam kong nagtataka din sila sa ikinikilos ko. Good thing that they respect my silence dahil hindi din naman ako handang sagutin ang mga tanong nila.

I know they're expecting me to hibernate and cry a river, and so I did the opposite. Gabi gabi akong lumalabas at nag a-unwind. Kahit pagod sa maghapong trabaho sa opisina, nakakapag clubbing pa ko sa gabi. Yun ang naging scapegoat ko para hindi ko mamiss si Glaiza at ang presence nya.

But today is different because while doing some paperworks in the office, suddenly I felt exhausted and drained. Kasabay nun ay ang maya't mayang pagsingit ng alaala ni Glaiza sa isip ko. I can't deny the fact that I missed her so much and not seeing her for days now makes me gone crazy.

Glaiza is my everything and without her I am nothing. Nakadikit na sya sa sistema ko kaya kahit anong pilit kong alisin sya sa puso at isip ko, hindi ko magawa.

But I'll live, for sure I am. Kung kailan at paano, I still yet to find out.

Naisip kong maghalf day na lang sa trabaho dahil siguradong mababaliw ako sa apat na sulok ng opisina kung hindi ako lalabas.

I drove around just to breathe some air, then I went to the mall and do some shopping. Gusto kong libangin ang sarili ko para tuluyang mawala sa isip ko si Glaiza at nagtagumpay naman ako. But when I got home, nang mabaling ang tingin ko sa couch na madalas nyang higaan sa tuwing nagssleep over sya, muli ko na naman syang naalala. Everything around my unit reminds me of her. And it sucks! So I went to my fridge and grab some bottles of beer then went straight outside, to my silent sactuary.

Kasalukuyan akong nasa rooftop ng condominium at nagmumuni muni habang hawak sa isang kamay ang nangangalahati ng laman na bote ng beer. Nakaharap sa bakal na barandilya na nagsisilbing harang para sa mga taong gustong tumanaw sa ibaba. Looking down is the busy streets of Makati. Ang rooftop ng condo unit ko ang nagsisilbing silent sanctuary ko sa tuwing maiisip ko si Glaiza sa kalaliman ng gabi. Somehow, the place shared my agony.

"I've been looking for you around, nandito ka lang pala."

Boses ni Chynna ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Pero hindi ako nag abalang lingunin ito. Nanatili lang akong nakatanaw sa ibaba habang nakapatong ang mga braso sa barandilyang bakal.

"Nagpunta ako sa office mo, sabi ng secretary mo naghalf day ka daw." Muling sambit ni Chynna na ngayon ay nasa tabi ko na.

I chose to remain silent. Muling tumungga sa hawak na bote ng beer at inubos na ng tuluyan ang lahat ng laman nito.

"Rhian, nag aalala na kami sa'yo. Hindi na 'to healthy. This is so not you."

"Chyns, ok lang ako. Wala namang dapat ipag alala." Napilitan na kong sumagot dahil alam kong hindi din naman ako titigilan nito. Si Chynna ang pinakamakulit sa buong barkada, sya ang walang tigil sa pagtawag at pagchecheck kung maayos ba ang kalagayan ko. Maybe because she knows everything from the start, everything that I felt for Glaiza.

Ang Kwento Nating Dalawa (RaStro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon