Ang Kwento Nating Dalawa (8)

3.3K 203 48
                                    

Pabalik na ko sa RK mula sa lunch out namin ni Rhian pero nasa isip ko pa din ang sinabi ni Ellen Adarna. She's insinuating that I have feelings for my bestfriend, but could it be possible that I'm in love with Rhian? No, it couldn't be! Mabilis na tanggi ng isip ko. She's my bestfriend at hindi ako pwedeng ma in love sa kanya. Pareho kaming babae at straight na straight ako. Imposibleng nabaluktot nya ko. Hindi talaga! Hindi! Pinilit kong ipasok sa kasuluk sulukang bahagi ng isip ko ang kaisipang yun.

Ipinapark ko pa lang ang sasakyan ko sa harap ng RK ng mapansin ko ang sasakyan ni Rafael sa kabilang bahagi ng parking area.

Nagtataka man ay pumasok na din ako sa loob ng RK. Lumibot ang mga mata ko sa loob ng restaurant and I found Bianca helping the waiters. Madaming customers at kulang kami sa mga servers ngayon kaya siguro napilitan na din si Bianca na magserve.

Dirediretso ako sa mini office ng RK, thinking that I would find Rafael there but I didn't. Naisip kong baka nasa labas at hindi ko lang napansin kanina. Nagpalit lang ako ng damit at nagsuot ng server's shirt, then went outside. Magseserve na lang din ako, nakakahiya naman kase kay Bianca kapag nagstay lang ako dito sa office after kong maglakwatsa sa labas. Besides, gusto ko ding magbusy busyhan, so that I would stop thinking about Rhian and my so-called feelings with her.

Palabas na ko ng office ng makabangga ko si Rafael. May hawak na serving tray at nakasuot din ng server's shirt ng RK. Pareho pa kaming nagkagulatan dahil nagmamadali sya at hindi ako agad napansin.

"Oh, hi babe!" Si Rafael ang unang nakabawi sa pagkabigla at bumati. He kissed me on the cheek.

"Hi! Anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit nakaserver's uniform ka?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

His smile widen showing off his dimples and his pearly white teeth. I must admit, lalao syang gumwapo sa suot nya. Naging mukhang mamahalin ang server's shirt ng RK nung sinuot nya.

Gosh, I'm still fascinated by him! Good to know. That only means, I'm still into boys. Sign yun na straight pa din ako.

"Tinulungan ko lang si Bianca. Madami kaseng customers. Tsaka kulang daw kayo sa servers eh. Wait, saan ka pala nanggaling?"

Boses ni Rafael ang muling nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan.

"Huh? Ano, ahm naglunch out lang ako kasama si Rhian." I told him the truth dahil wala namang dahilan para magsinungaling ako.

"I see." Tumatangong sagot nya.

"Sige, tutulungan ko muna si Bianca."

"I'll just go to the kitchen." Sagot nya at mabilis nang naglakad patungo sa kitchen.

----

We were in Rafael's car and I was silently sitting on the passenger seat when he suddenly pull over a few meters away from my apartment.

"O, bakit tayo huminto? Malayo pa yung bahay ko dito ah." Nagtatakang tanong ko kay Rafael.

Ang Kwento Nating Dalawa (RaStro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon