Chapter 10: Mature Elementary

Começar do início
                                    

Dinaan ko ang papel na ipapasa ko sakanya sa may bandang balikat ko patalikod. Winawave ko na ito pero hindi padin niya kinukuha hanggang sa hinarap ko na lamang siya. This is it.

Humarap naman ako sa likuran ko nang nakayuko siya. "O-oh? Pinapapasa ni m-ma-ma'am" nauutal ko namang sabi sakanya. Bakit ba ganito? Kinakabahan ako.

Bigla naman niyang inangat ang ulo niya at-------

"Thanks!" ngumiti siya sakin nang ikinagulat ko naman. S-same class kami?!

"N-nandito ka din? Sana nagsabay nalang pala t-tayo kanina." biglang sabi ko naman sakanya at napakagad nalang ako sa labi ko. Si Jeff! Same class kami! Pero pano nangyare yun? Nginitian niya lang naman ako at kinindatan. Bakit ba ang hilig niya mangganun? Nakakaakit tuloy!

"Yep! I need to take this up! Lack of credits e" rason naman niya nang nakita ko naman nagsitayuan ang mga kablockmates namin para humanap ng partner? Teka partner nga ba o group?

Narinig ko namang nagnunumbering na ang mga tao at sa hindi ako nakikinig, pinagtinginan naman ako ng mga kaklase namin. "Skype, you're in the group 2 section" bigla namang sigaw ng prof namin kaya naman pumunta na agad ako sa side namin, sa mga kagroupmates ko. Luckily, either one of the boys, di ko kagroup. Oh crap! Sana naman di ko makadebate isa sa kanila.

"Okay! I think everybody settled down. Okay lets begin" ayon naman sa prof namin nang bigla ko namang ikinaba ng dibdib ko. Wag sana siya yung makadebate-tan ko. Alam ko kasi awkward ang mangyayari e. Hindi ako makakapagsalita niyan.

Narinig ko na lamang na may nagreklamo sa group namin. Na unfair daw yung group namin kasi  kulang daw kami ng member? May nandaya daw kasi e. Kaya wala. Uneven ang count ng groupings.

"Okay who wants to go with group 2? Everyone?" nakita ko namang biglang nagstep out si Phyllis. Kaya naman mas nakahinga naman ako ng malalim. Nakapagbuntong hininga naman ako ng malamin. Pero wait, kagroup ko na siya ngayon? As in kadebate team ko na siya? Ocrap! May disadvantage parin talaga. Awkward na to.

Pumunta naman siya sa group namin na nadeadma lang ako. Dinaanan niya lang ako ng parang hangin. Ibang iba na talaga siya. Hindi na talaga siya yung lalakeng pang elementary kumilos. Seems he became mature now. Baka natauhan na sa sinabi ko.

Naramdaman ko namang tinitingnan niya ko sa pagkatalikod ko. Bakit ba kinakabahan ako? At hindi ako makagalaw? Tama ba tong ginagawa ko sakanyang pagiiwas? Hindi ko kasi alam kung may atraso ba ko sakanya o wala. Hindi niya ko pinapansin. At bakit ba sobrang big deal sakin?

"Okay. Let's start, why do we keep planning our date at night?" tama ba yung narinig ko? Y-yung topic! Bigla namang nagpop out sakin ang mga alaalang nakipagdebate ako sakanya. Na dahil sa topic na yan, diyan kami nagkakilala. Nagkainisan, at higit sa lahat, nagkasigawan. Bigla naman akong napatingin kay Phyllis at ganun din siya. Alam kong natatandaan padin niya ang topic na yan pagdating sa pagdedebate. Muli ko naman siyang tiningnan pero iniwasan niya rin ako. Ano bang problema niya?

Umiwas nalang din ako ng tingin sakanya nang nakita ko namang pumunta siya sa harapan para makipagdebate.

That Elementary Jerk! (Jerk Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora