CHAPTER 30: He's beginning to ANO DAW?? Part 1

Magsimula sa umpisa
                                    

"nako hija sorry." sabi ng isang boses na pangmatandang babae.

kaya naman agad akong napaharap dun sa babaeng nakabunggo ko kanina.

nagulat naman ako sa nakita ko. Matandanf babae nga yung nakita ko pero hindi mo naman agad na mahahalata sa mukha nya na matanda sya.

Dun mo sa boses malalaman na matanda na pala sya.

maganda parin kasi sya tapos yung buhok nya itim parin.Napansin ko lang...

parang may kamukha sya...

"Hija?" sambit nya muli kaya naman agada akong natauhan.

"ah eh...so-sorry po." sambit ko at saka pinulot yung cellphone ko at agad na nagtatakbo papunta dun sa CR at agad naman akong pumasok dito.

teka bakit ba ako nagtatakbo? =.= hayyyy ewan ko.

ginawa ko na yung dapat kong gawin sa CR at syempre nagayos din muna ako ng sarili ko at saka ako lumabas na ng CR at aska bumalik na muli sa classroom ko.

tahimik parin sila.nakakapanibago talaga.

"saan ka ba galing ha? may naghahanap sayo kanina tapos hindi mo pa nakita yung may ari nitong school." sabi sakin ni Steven.haist here he goes again!

"so?ano bang mapapala ko kung makita ko  yung may ari nitong school? mas yayaman ba ako?" sagot ko and again inirapan ko sya. Nakita ko namang napakamot nalang sya sa ulo nya at saka ishinake nya yung ulo nya.

Maya maya ay nagumpisa na ang first subject.Medyo nakinig naman ako pero dun sa next and so forth na mga subject tinulugan ko nalang.ang boring kayang magturo nung mga teacher noh.

nagising lang ako nung narinig ko na yung pagbell nung bell ng school nato which means na recess na.

"Sabay na tayo kelly." yaya saakin ni Steven.hindi ko naman sya sinagot at nagsimula nalang akong maglakad papalayo.hindi ba nya magets na iniiwasan ko sya?

rinig ko naman yung mga hakbang nya na papalapit sakin.

"kelly,may problema ba?"  tanong pa nya sakin.

wow concern sya?

"problema ko?ikaw nga.makulit ka din noh." sagot ko habang nakatingin parin ako sa unahan ko at diretso parin sa paglalakad.

"ano bang problema mo sakin?"

"simple lang.ayoko ng lahat ng meron sayo. ayokong pakasalan ka. hindi ikaw yung gusto ko kundi si Alexis lang. inshort.AYOKO SAYO!!" sigaw ko sakanya this time magkaharap na kami. nanginginig na ako sa galit habang sya naman nakaharap lang saakin na parang walang emotion.

"intindi mo na?" bulong ko pa at saka inirapan muli sya at nagsimula na muli akong maglakad pero hindi pa ako nakakalayo ay bigla nanaman syang umimik.

"I broke up with my girlfriend Loraine." he whispered kaya naman napaharap ako sa kanya with my puzzled face.

"so?anong gusto mo?makonsensya ako o gusto mong tulunggan kitang makipagbalikan sa kanya??!Ghaud Steven mag---" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi bigla nalang nya akong inunahan sa pagsasalita.

"cause I'm beginning to like you Kelly!!" sigaw nya.

dahil sa narinig kong yun feeling ko hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. 

he's beginning to ANO DAW??

To be continued...

Ano kayang mangyayari na ngayo'y may nararamdaman na din pala si Steven para kay kelly!! ano kayang mangyayari kapag dumating na muli si Alexis at nalaman nya ang katotohanan??

Abangan sa next chapters!!

sorry po ngayon lang ako nakapagupdate.naggagawa kasi akong Term Paper e. and Guess what?

minimum of 70 pages ang term paper dapat namin at dapat handwritten pa! oh diba? =.=

magaupte ako soon since sembreak naman :)

GANGSTER HIGH (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon