My Binondo Girl After Two Years Chapter 7

Magsimula sa umpisa
                                    

 "Umalis ka na kasi ang kulit mo," iritadong sabi nito.

 "Okay, I'm going! Nay, ready ka na?," baling nito sa biyenan.

 "Halika na Andy, umalis na tayo bago pa magwala itong si Jade," nakangiting sabi ni Zheny.

 "Hmp," irap ni Jade, habang bumubulong sa sarili.

   Dumating si Clara Salvador kasama ang manager at lawyer  para sa contract signing with TwinDragons Management. Magandang mestiza, matangkad, at sexy ang fashion model na si Clara.Malaki ang laki ng pagkakahawig nito kay Megan Young. Pagkatapos nang contract signing ay nagmadali na rin itong nagpaalam dahil may pupuntahan pa raw itong ibang appointment.

  Nasa meeting si Andy with the department heads nang bandang ala una nang biglang sumenyas ang secretary niyang si Jessica na may telephone call siya.

 "I told you not to interrupt me while I'm in a meeting," sermon nito sa secretary.

 "Sir, nagpipilit po ang lola ninyo, emergency raw po sa bahay," nag-aalalang sagot nito.

  "Put her through the other extension," utos niya sa secretary.

  Dali-daling nag-excuse si Andy sa mga empleyado niya para sagutin ang telepono sa kabilang kuwarto.

  "Hello, Lola Amor? Anong pong problema diyan?," kinakabahang tanong nito sa kabilang linya.

  "Andy, umuwi ka agad dito. Si Jade ayaw tumigil sa kakaiyak. Nagkulong sa kuwarto ninyo. Ayaw

buksan ang pintuan ninyo. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ang lakas ng atungal! HIndi ko na alam kung anong gagawin sa asawa mo," natatarantang bida ng matanda.

  "Bakit, ano ba ang nangyari?," nababahalang tanong ni Andy.

  "Ay ewan ko ba sa batang iyan. Nag-grocery pa nga sila kanina kasama si Sapphire at Annika. Noong dumating galing sa labas masaya naman," naguguluhang kuwento nito,

  "Uuwi na ako ngayon Lola Amor, please paki-bantay po kay Jade habang wala ako," nag-aalalang sabi ni Andy sa matanda,

   Nagpaalam si Andy sa mga tauhan na kaillangang niyang umuwi nang maaga. "Let's resume our meeting for tomorrow."

   Nagmamadaling umalis si Andy ng office, halos liparin niya ang daan pauwi ng mansyon. Kung ano-anong masamang scenarios ang pumasok sa isipan niya.  Pagdating niya sa mansyon ay si Lola Amor agad ang sumalubong sa kanya sa may pintuan. Hindi pa namamatay ang makina ng kotse ay lumapit na ito sa kanya.

  "Mabuti dumating ka agad, Andy. Ang apo ko ayaw pa rin buksan ang pintuan ninyo, naririnig namin na ngawa pa rin ng ngawa. HIndi pa rin tumitigal aba'y kanina pa iyon," nanlalaki ang mga mata ni Lola Amor habang nagsusumbong kay Andy, halatang nag-aalala ang mukha.

  Dumeretso na si Andy sa Master bedroom. Naka-lock ito nang subukan niyang buksan.

 "Babe, please open the door. Babe, please," nakikiusap ang boses ni Andy.

  Walang sagot galing sa loob, naririnig lang niya ang mahinang hikbi ni Jade.

  "Babe, please we need to talk," ulit nito sa nakikiusap na boses.

  "Go away, I don't want to see you," sigaw nito tapos lalong nanangis.

   Inutusan ni Andy si Bebang na kunin ang spare key sa home office niya. Nang makabalik si Bebang dala na nito ang spare key, agad-agad binuksan ni Andy ang pintuan. Si Jade ay inabutang niyang nakasubsob ang mukha sa unan. Yumuyugyug ang mga balikat. Nang maramdaman nitong may kasama na siya sa kuwarto ay lalong lumakas ang iyak nito.

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon