Hindi na sumagot pa si Khaos, hinablot niya na lang ang alak at sinimulang inumin 'yon.
Hindi ko mapigil ang mag-alala. Kanina pa kasi siya umiinom.
"Alright, tuloy ang laro!"
A girl named Jackie from Serpentine was then drawn out.
"Truth, para maiba," sagot ni Jiro na siyang sunod na nabunot.
"Sino'ng mas masarap humalik, ako o si Francine?" tanong ni Jackie tukoy sa isa pang babae na kasama niya sa grupo.
Waring natigilan si Jiro, pabalik-balik siya ng tingin sa dalawang babae. Nalunok niya pa ang laway bago ini-angat ang daliri.
Agad napangiti si Jackie na siyang itinuro nito. Napatayo naman si Francine at iritadong lumabas. She walked out.
"Patay ka, Jiro," tatawa-tawang pambubuska ni Byron.
"One down!" singit ni Gerard na parang walang pakialam na may umalis. He shook the battle again for a few seconds before Gerardine and Athena were picked.
"Truth." The latter answered without taking time.
Kagaya ni Athena, hindi rin nagpatumpik-tumpik si Gerardine sa pagtatanong. "Do you have the hots for Khaos?" Seryoso ang ekspresyon sa mukha nito na bihira kong makita. Palangiti rin kasi siya tulad ng kakambal niya.
Napuno ng tensyon ang VIP room. Everyone was taken aback by the question while Khaos kept drinking without showing any kind of reaction.
"Obviously I do." May halong panghahamon ang sagot na 'yon ni Athena.
"I smell a cat fight," pasimpleng bulong ni Byron kay Lyall.
"Next... me again, and Gerardine." Nakabunot na pala uli si Gerard habang nasa gitna ng pagtititigan ang dalawang nasa harap niya.
"Truth, dear brother," Gerardine said with confidence.
"What do you think about Se7en's leader?" Clearly Gerard is adding fuel to the fire. Gusto niya yata talagang may mag-away kahit pa kapatid niya ang isa.
"I like him, and I won't let anyone have him," matigas na sagot ng babae.
"What a very bold answer, sis," inilahad ni Gerard ang palad na tinapik naman agad ng kakambal nito. It was a low five.
YOU ARE READING
Power Within II: Bound by a Promise(Under revision)
FantasyI always have this vague dream, of me dying-and of a girl without a face who keeps on calling me a name I've never heard of. Sequel of Power Within Book I: Fated to Meet
VII:FIANCÉE
Start from the beginning
