"Bakit niyo ginagawa to?" Yinugyog ko pa ang balikat niya.
One...
Two....
Three...
Para may choreo.
"Gagayahin niyo ba ang kagandahan ko? Pararamihin niyo ba ang diyosang si Ako? Ano sumagot kayo? Sumagot kayo? SAGOT!" sunud-sunod na bitaw ko na tanong. Medyo napalakas na rin ang boses ko.
Natulala lang siya. Hindi siya makasalita.
"Hahahahaha!" bigla na lang siyang tumawa.
Mad scientist ba to? Hala! Dadalhin ba nila ako sa lab as specimen. Eksperimentuhan ba nila ako. Hindi ako papayag. Pero sayang yung pera eh. Pantustos ko pa naman yun sa pag-aaral.
Sige bahala na lang kung gagawin nila iyon. Paghahandaan ko na lang ang plano nila. Basta hindi mangyayari ang gusto nilang gawin sa akin.
"Okay! Okay! Okay!" pagpapahinahon ko sa tawa niya. "Tatanggapin ko na ang alok mo. Basta, bahala kayo. Hindi magtatagumpay ang plano niyo sa pagkuha ng kagandahan ko."
Tinakpan niya pa ang bibig niya sa pagpigil ng tawa niya. Kung hindi sila seryoso. Ako seseryosohin ko ang paghahanda ko.
"Sige alis na muna ako. May hinahanap pa ako." tinalikuran ko na siya. Bahala na sila sa mga hakbangin nila sa pagkuha ng kagandahan ko.
"Good luck sa mg iniisip niyo Ma'am Chanda!" sigaw ni Ms. Jane.
Aba hinahamon ako. Si Chanda Paquita? Hinahamon? Talagalang ha. Good luck din sa mga plano niyo. Magsisi kayo at ako ang kinaharap niyo. Bwahahaha.
Pagkatapos ay pumunta agad ako sa likod. Hinanap ko ang tatlong ambulansiya. Kahit saan-saan ako pumunta.
As usual marami pa rin ang naakapansin sa kagandahan ko at marami sila side comments. Comments nila na tinatakpan nila ang paghanga nila sa akin. Tulad ng mga sumusunod.
1. Ang panget niya
2. Ang sagwa ng mukha niya.
3. Ang adik lang niya
4. Baliw na talaga
5. Ilusyunada talaga.
6. At iba pa
Ngayong ko lang nalaman na nakakaapak na pala ng ego ang kagandahan ko. Kaya ganun na lang pala sila ka harsh magsalita para pagtakpan lang ang nasasaktan nilang ego. Naiintindihan ko na sila. See maganda at diyosa ako. Magaling talaga ako magconnect ng mga bagay-bagay.
Nagpatuloy ako sa paglakad. Hanggang sa mapadako ako sa swimming pool.
Wow ang laki ng pool. Pumasok ako doon at namangha talaga ako sa pool. Ang sarap maligo.
Pwede kayang maligo rito tuwing break ko?
Sa sobrang mangha ko hindi ko na napansin ang mga lalaking nakaswimming trunks at nakabalandra ang mga ABS. Hindi ko sila pinapansin. Dinaanan ko lang sila. Yung iba basang-basa pa. Naglalakbay ang mga butil ng tubig mula sa buhok nila patungo sa dibdib nila, sa six-pack at ang iba eight-pack, hanggang sa tumulo ito sa lupa.
Nasagi ng mata ko lang pero hindi ko yun pinagtuunan ng pansin. I swear! Promise! Kaya nga nadescribe ko eh. Hehehe. Pero mas nangingibabaw pa rin ang pagkamangha ko sa pool. At saka, ang lagi kong sinasabi, masyado ng okupado ang isip ko sa kagandahan taglay ko para mag-isip pa ng ibang bagay.
Pagtingin ko sa dulo ng pool. Wow. Ang mga ambulansiya....
---------------------------------------------------------
Medyo mahaba-haba. Kaya Vote and Comment na!
50 votes for next UD.
Panget 6
Start from the beginning
