Charity works naman talaga ang tawag ko sa pagsunud-sunod ko sa mga ambulansiyang yaon. Isesave ko kasi ang panget na tinutukoy nila.
"Ako nga pala si Ms. Jane Defacto and..." sasabat pa sana ako, pero pinagpatuloy niya lang ang mga sasabihin niya. "I know who you are. Scholar ka ng school dito. Saka if you need anything. Like materials for your project, financial support for your trips. Basta anything. You can call me here." inabot niya sa akin ang isang card.
Weird diba. Heto na naman ang mga weird na nagsusulputang tao sa buhay ko. Pero sabi nga nanay, grab all opportunity while it is still there. English pa yan ha. Taray ni nanay.
Parang nasanay na talaga akong may ganitong mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ko. I don't know what the reason behind all these things. Heto na naman napapaenglis ulit ako. Gusto ko magtagalog. Ayaw ko kasing maging mabaho at malansang isda. Si Rizal kasi eh. Maganda nga ako pero amoy mabaho at malansang isda naman ako. Parang walang saysay ang kagandahan. What is beauty kung mabaho ang kili-kili. Duh!
"Kung nag-aalangan ka na tanggapin iyan. Sasabihin ko sayo na isa ako sa mga nag-approve ng scholarship mo at nagfinance na rin. Kaya tanggapin mo na yan. O gusto mo ibigay ko na lang sa iba iyan. Ikaw rin."
"Hind naman ako nag-aayaw eh. Grasya na to, tatanggihan ko pa. Mahirap lang kaya kami. Basta walang kapalit to ha. Subukan niyo lang na may kapalit to kundi............subukan niyo lang." wala akong maisip na gagawin eh.
Ngumiti lang siya ng tipid sa akin.
Hindi ko naman sila masasaktan. Mayaman sila at marami silang mahahire na mga killers, assassins, snipers, armed forces of the philippines, JI, Abu Sayyaf, NPA at marami pang iba.
Iba na ngayon ang nagagawa ng pera. Pero ang kagandahan ko hindi nila mabibili.
Hala! Baka kukunin nila ang genes ko at paparamihin nila ang katulad kong diyosa. O kaya kukunin nila ang ganda ko.
Ganito na pala kadesperate ang mga tao para kunin ang ganda ko. No way. Hindi maaari ito. Kailangan kong masigurado. Kailangan kong isecure ang kagandahan ko. I need to know. I badly need an answer. Charot!
Tumingin ako diretso sa mga mata. Yung diretso talaga, 180 degerees. Hinawakan ko siya sa balikat. Napatalon pa siya ng konti sa ginawa ko.
Inumpisahan ko na ang interrogation. "Sure ba kayong walang kapalit to?" huminto ako saglit at huminga ng malalim. Desperate na rin ako. Nakasalalay dito ang kagandahan ko.
Panget 6
Mulai dari awal
