"Ahhh. Papunta pala sila sa likod. Baka lumiko na sila." sabi. ko habang hinihimas himas ang baba ko.
Nagpatuloy ako sa paglakad. As usual habang naglalakad ako na parang diyosa, madami na namang mga mata ang nakatingin sa akin. Parang ngayon lang sila nakakita ng tunay na diyosa.
Kawawa naman sila. Si nanay kasi eh. Bakit niya pa kasi ako tinago doon sa bahay namin. E di sana hindi sila nagkakaganito. Nakatulala at parang namatayan na parang nasusuka na parang nandidiri.
Nag-aalala na ako sa mga estudyante dito. Mabuti na lang at inagahan ko kanina ang pagpunta. At least habang maaga pa, naorient na sila sa taglay kong ganda.
BOOOGSH!
Paliko na sana ako nang may mabangga ako sa hallway. Malapit na nga sana akong matumba kong hindi ko kaagad nabalance ang katawan ko. E di sana magasgasan ang maganda kong kutis. Only HILOD touches my skin. Who touches yours?
Mabuti na lang at nag-aral ako ng kung-fu. Ngayon flexible na ako at mas enhance na ang reflexes ko.
Saan ako nag-aral ng kung-fu, pati na rin ng mga martial arts? Curious din kayo no?
Ganito yan. May nagturo lang sa akin ng walang bayad. May libre pang merienda.
Weird diba no. Lagi na lang kasing may sumusulpot na kung sino para turuan ako sa mga bagay. Dahil libre naman, e di grab the opportunity. Sayang diba. At least maprotektahan ko ang kagandahan ko sa mga mananantala nito. Taray!
"Sorry Miss." pagpapaumanhin ng babaeng nabunggo ko o nakabunggo sa akin. Hindi ko alam.
Mga 28 na siguro ang edad nitong nakabungguan ko. Hindi naman siya kagandahan tulad ko. Pero... pwede na rin. Pwede na rin sabihing......tao siya. Taray ulit!
"Okay! Sa sunod magdahan-dahan ka. Baka sa susunod, matisod ka. Hindi ka pa naman kagandahan at..."
"Ah...tama na. Huwag na masyadong maging vocal ka. Oo na maganda ka na." pagpuputol niya sa mga sasabihin ko pa.
KJ naman nito.
"Mabuti ng nagkakalinawan tayo. Sige diyan ka na. May unsettled business pa ako. Nakakaabala ka sa mga charity works ko." Charot!
Panget 6
Start from the beginning
