Si Jude panget. Lumabas na. Eh, bakit ko siya nasali sa usapan? Dapat kagandahan ko lang ang iisipin. Grrr. Ano ba ang nangyayari sa akin?
Pagtingin ko sa paligid. Hala! Nasan na ang mga ambulansiya?
Taranta kong inayos ang mga gamit ko at lumabas. Nakita ko silang papunta sa likod ng school.
Kailangan ko silang sundan. Baka paalisin na nila ang panget na tinutukoy nila? CLueless talaga ako kung sino yun. Sana makilala ko na ang panget na yun.
Lakad takbo ang ginawa ko para mahabol ko sila. Pero hindi pa rin nawawala ang poise ko sa pagtakbo at paglakad. Dapat consistent pa rin ako sa kagandahan ko sa paglakad.
"Ang gwapo talaga ni Apollo. Handsomeness overload talaga. Ayiiiie!" may kasama pang tili na sabi ng isang estudyante.
Mga 16 pa lang siguro ang edad. Maaga pa siyang lumalandi. Grabe hah.
Saka gwapo. LOL. Bakit kasi kamukha niya pa si Zac Efron? Eh kinikilig na naman ako. PEro hindi sa maangas na lalaking iyon hah!. Kay Zac Efron ako kinikilig. Nagpapaliwanag lang. Hindi ako defensive.
"At si Hades, ang Hot niya talaga!" isa pang babae na maagang kumekerengkeng.
Hot?! Parang impiyerno lang? Hindi naman siya hot ah. HOTakin ko pagmumukha niya eh.
"Yung isa ang cute. Cuteness overload siya te." sigaw ng isang lalaki na may pusong babae.
CUTE?! Nagpapatawa ba sila?
Masyado lang sigurong mataas ang standard ko. Dapat lang na mataas ang standard ko no. Sayang naman ang ganda ko, kung sa mga panget lang mapupunta ito. Dapat kong ibase rin ang standards ko sa gandang taglay ko. Sayang ang lahi ko.
Saka masyado akong maganda para purihin ang pagmumukha nila. Ang sagwa naman kung sabihin kong gwapo sila. Triple EWWWWW! EWWWWW! EWWWWW!
Hala! Nasan na naman sila? Bakit kasi ang ganda ko. Nawala tuloy ako sa misyon ko. Pero dapat ko pa rin silang hanapin. Kaya ko to. Para sa panget na maliligtas ko.
Tumigil muna ako sandali. Nagflashback sa akin ang lahat mula sa room hanggang sa kinatatayuan ko.
Panget 6
Comenzar desde el principio
