I have to get my act together. Cyan is Khaos! Whether he changed or not, he is still him! Tinapik ko ang sariling mukha. I should focus in the present not in the past.



Hinarap ko na ang bumato sa 'kin ng itlog. “Hoy, masama magsayang ng pagkain!”


Dumating ang ilan pa na agad din akong pinagbabato ng itlog. Napilitan na 'kong tumakbo. Sinimulan naman nila akong habulin.



Mula no'ng nalaman ng mga estudyante rito na maid ako ni Khaos,  sa 'kin na nila ibinunton ang sama ng loob nila. They began bullying me every chance they can.


Mula sa taas, bumuhos sa 'kin ang tubig na pinagbanlawan yata ng panglampaso. “Sakto!”


Soaking wet, smelling like dirt, and sticky as any adhesive, I continued to run. Inignora ko lang ang pinaggagagawa nila sa 'kin. I'm not the Adria who I used be, I've changed. I will survive all of this without retaliating.

Dahil sa bilis kong tumakbo, nagawa ko silang takasan at makapagtago sa likod ng isang gusali. Hinihingal akong napasandal sa pader. This might need some getting used to.



Akmang ilalabas ko na ang wand ko para sana linisin ang sarili, nang makarinig ako ng tunog ng natatapakang mga tuyong dahon.


“Pwede ka nang scrambled eggs.”


Paglingo ko'y sinalubong ako nang tawang-tawang si Gerard.


“Juice ko po, ser Gerard.” Kunwari akong napakapit sa dibdib ko. “Mamamatay ako sa sakit sa puso sa inyo.” Unang beses ako nitong kinausap.


He chuckled. “I didn't know you're this amusing. We should talk a lot from now on.”


The smile on his face is intriguing me. Palagi kasi talaga siyang nakangiti kahit walang nakakatawa o nakakatuwa. I've noticed that because he's always by Khaos' side.


“May kailangan ho ba sa 'kin si ser Khaos kaya kayo nandito?”


“Wala. Nakita kasi kitang hinahabol at binabato ng itlog. It looked fun so I followed,” he replied in amusement.


“Gusto n'yo ho bang batuhin din ako ng itlog?” Kinapa ko ang balat ng itlog na nakasabit pa sa buhok ko at inilahad 'yon sa kanya.


Napahalakhak siya. “Don't be silly, binibiro lang kita. Take this instead.”


Saglit akong nagulat sa iniaabot niyang panyo galing sa bulsa.


“Naku ser, 'wag na ho. Marurumihan lang po 'yan. Okay lang ho ako. Marumi naman talaga ako bago pa man batuhin ng itlog.”



Tumawa na naman siya bago nagsalita “Take it.” Hinablot niya ang kamay ko at sapilitang ipinahawak sa 'kin ang panyo kaya wala na 'kong nagawa kundi tanggapin 'yon


“P-palitan ko na lang ng bago 'to, ser.”


“No need, keep it.” Walang bakas ng pang-uuyam o pandidiri sa ekspresyon o salita niya.


The kindness he's showing right now is puzzling me, so I wasn't able to stop myself from asking. “Ser, bakit ho parang ang bait n'yo ngayon kahit basagulero kayo?”


“Nice question.” Pagkatapos tumawa na naman, ay tila  napaisip siya. “Bakit nga ba?” balik tanong niya na para bang sa 'kin gustong kumuha ng sagot.


“Aba malay ko ho sa inyo. Si ser Khaos nga ho walang pake.”


What the students do to me every single day doesn't hurt one bit, what hurts is the fact that Khaos doesn't care about it.


He let out a quiet laugh. “Napaisip talaga ako sa tanong mo. I'll get back to you, kapag may nahanap na 'kong sagot.”


“Tanong po uli ser Gerard, bakit parang lagi ho kayong masaya? 'Yong parang laging nakangiti?” Ipinuwesto ko ang dalawang hintuturo ko sa magkabilang sulok ng mga labi saka malawak na ngumiti bilang demonstrasyon. “Parang nakakaloko ho kasi kayo. Wala ho akong masamang ibig sabihin ha.”


Sandali siyang natahimik. For a few seconds I think he looked serious. “Hmm.. a smile can hide the pain. That's what I believe.” Sinundan niya ang sinabi ng isa na namang tawa saka ako tinalikuran. “I should get going, see you later Ade— or maybe Laida's better? Well, whatever.” he murmured to himself as he walked away.


Hindi ako gumagalaw sa puwesto habang pinagmamasdan ang unti-unti niyang paglayo. There's something unsettling about him, but I can't put my finger on exactly what it is.




Power Within II: Bound by a Promise(Under revision)Where stories live. Discover now