Mission #4 - Celestia Meets Zachary

108 6 0
                                    

PEACH’S POV

“Maawa kayo Celestia at Ejin. Di talaga kaya ng maganda kong konsensya ang pumunta sa eskwelahang yun!” sigaw ko habang mahigpit ang kapit sa poste.

Ayoko talaga. Ayoko! Ayoko! Ayoko! Yoko! Yoko! Yoko! TT^TT

Hindi ko matatagalan sa Academy na yun kahit na abot legs ko na si Castle mah loves. Ang hirap naman kasi, mamaya mahuli ako ni Lolo dun. Syempre, patay na naman kagandahan ko. Okay, para di kayo maguluhan, apo ako ng may ari ng Renfornd Academy, si Celestia Xaviera at Ejin Raquel naman ang anak ng may ari ng Ladies Of Miracle. Stock holder lang kami dun. In short, puro kami may-ari ng mga school. Gets nyo? Kaya kung makapagsalita si Cel dun sa guard, ganun na lang. Nakakatakot na agawan ng pocky yan =_____=

“Ano ba Peach! Saglit lang naman tayo dun, sisilayan lang natin si Fafa Bryxx ko at si Mr. Zach. Ayoko ngang tawaging fafa yun, bigwasan pa ko ni Celestia.” Sabi ni Ejin sabay hila ng bag ko.

“Tama ka dyan Ejin. Kaya manahimik ka na lang dyan kay Fafa Bryxx mong mukhang letra! Ano bang kaartehan ‘to Peach Lia?!” sigaw ni Celestia at tuluyang sumuko sa paghila.

“Like duh! Apo ako ng may ari dun. Paano na lang kung makikita ako ni Lolo dun? Sasabihin, lumalandi ako?” sabi ko naman.

“Malandi ka naman na.” sabi ni Ejin.

“Kaya ikaw, babae ka. Sumama ka na sa’min!” sabi ni Celestia at naglaka----kinalakad na nila ko.

Pakshet! Naka-shades pa talaga ako. Nagtataka pa kayo? Like, hello! Kinagat nga ng ipis mata ko di ba? Nakakainis naman kasing ipis yan! Kadaming pwedeng kagatin. Pwede naman na ung unan, kumot. O kaya bibigyan ko sya ng buto! Bakit mata ko pa talaga? TT^TT

“We’re here.” Sabi ni Cel.

“Oh ayan, nandito na pala tayo. Sige, pasok na kayo. Nihatid ko lang----“ hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil kinaladkad na ko ni Ejin at Cel sa kwelyo ng uniform namin. Ano pa bang laban ko sa mga maskuladong ‘to?

Todo takip naman ako ng mukha ko dahil na rin pinagtitinginan kami ng mga estudyante dito. Grabe, pati yung mga babae lagkit ng tingin sa’kin. Hala, baka nakikilala na nila ko? Waaaah! Please, wag naman! Ayoko pang magpaalam sa mundong ito….

“Hoy, bakit huminto tayo?” tanong ko.

“Kanina pa kasi salita ng salita si Cel at ikaw ang kausap nya, hindi ka naman nakikinig. Kaya ayan, nag-walk out na naman! Saan namang parte ng Renford Academy natin hahanappin yun?” sabi ni Ejin at binitwan na ko.

Dinampot ko na yung bag ko at akmang aalis na….

“Wag na wag kang magkakamaling umalis Lia, kung ayaw momagkaroon ng gulo dito.” Sabi ni Ejin.

Hala, nasa warfreak mode si Ejin ngayon. Waaah! Hindi ako pwede umalis? No choice ako. Kundi maiwan at samahan syang hanapin ang nawawalang si Celestia.

“Teka! Alam ko na kung paano natin mahahanap si Cel!” sabi ko.

Tumingin ako sa paligid. Hmmm, mukhang di naman nila ako nakikilala kasi…malamang naman Peach, naka-shades ka nga di ba? Wow, may utang na loob pa ko dun sa ipis!

“Paano?” tanong naman ni Ejin.

Nilabas ko yung cellphone ko.

“Konatkin natin si Dora!” sigaw ko.

“OUCH! Aray naman Ejin! Ano bang problema mo?!” sabi ko habang hawak hawak yung ilong ko.

“Bakit…Argh! Never mind! Bahala ka na nga dyan!” sigaw ni Ejin, “Napaka timang mo!” at umalis na rin sya.

Hala! Bakit ano na naman nagawa ko at iniwan nila ko? Huhuhuhu. Buti na lang talaga naka-shades ako at di nila kami nakikilala dahil di naman kami madalas magpunta dito. Di naman kilala si Ejin at Cel dito eh, hindi naman kasi kami nagpupunta dito. Pero ako, kahit siguro tinda sa canteen, kilala ako. Waaah! Nasaan na ba yung dalawa?! Ajujujuju.

CELESTIA’S POV

“Napaka! Napaka! Napaka!” timping sigaw ko.

Kanina pa ko chika ng chika sa kanila tapos hindi naman nakikinig! Aish! Buti nang mag-back out. Nakakainis naman yung dalawang yun. Bahala talaga sila maghanap sa’kin! Wala akong pakielam kung pasabugin nila ‘tong Renford Academy para makita ako. Wala akong pakielam!

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng Renford Academy with fierce. Lahat ng nakatingin sa’kin, tintingnan ko ng masama. Hah, akala nila ah. Di naman ako tiga dito pero kung makatingin sila, akala mo nagnakaw ako. Okay, nagnakaw nga ako! Nagnakaw ng kagandahan. Mwahahaha!

Kasulukuyan, naglalakad pa rin ako. ang haba naman ng hallway na ‘to……

“Kyaaaaaa!” sigaw ko.

Pakshet! Di ko nakita yung tubig na kakarampot! Waaah! Nakakahiya ‘to! Hindi ko na kaya pang gumising sa isang araw kung madudulas ako!

“Ouch.” Sabi ko na lang. Natuluyan pa din pala ako =___=

Akala ko pa naman dadating si Zach Sweetcake ko para saluhin ako. Mukhang malayo ako sa radar nya. Enebenemenyen >.<

Tumingin ako sa paligid. Tawa dito, tawa dun, tawa here, tawa there.

“Saya noh?” sabi ko.

Lalong lumakas ang tawanan.

“Oh, ano? Kaya nyo ba yun?” sabi ko habang nakapaupo pa rin.

Ang sakit sa balakang nito. Shet, di yata ako makakatayo. Kayo kaya madulas, makakatayo pa kayo? Sakit sa bangs!

Nakapaikit pa ko when somebody tap my shoulder. Minulat ko ang beautiful eyes ko.

*blink blink*

*stare*

*pikit ulit*

*titig*

“He-Heath Z-Zachary?” tanong ko.

Biglang tumaas ang kilay nya. Napa-face palm ako. Pakshet, di ka kilala nyan Celstia! Malamang sa alamang dahil ikaw lang ang nakakakilala sa kanya. Sino bang hindi? Yang mukhang yan, ang gugustuhin mong ilibing kasama mo!

Tinititigan ako ni Zach ngayon at ganun din ako. Para bang pinakikiramdaman nya ko. Seryoso ang tininginan naming dalawa. Hala, ano kaya iniisip nya? Baka isipin nya masyado akong maganda para madulas? Shems! Kahihiyan talaga ‘to.

“Stand.” Sabi nya at iniabot yung……paa nya? =__=

“Huh?” tanong ko naman at tinginan yung paa nya.

“I said, stand up. You’re messing the floor.” Sabi nya at iniaabot ulit yung paa nya.

So ako pa talaga dumudumi dun sa floor? Nahiya naman ako sa sahig, nawalan ng virginity. Tss.

Tinginan ko sya ng matalim at iniabot ang paa nya. Hayaan nyo na, kahit paa lang nya ‘to, heaven na. choss! Hayaan na nga, kesa naman hindi na ko tumayo dito di ba?

“Thank you for the feet.” Sabi ko.

Pero nagulat ako.. As IN SHOCK talaga sa sumunod nyang ginawa.

He held my hand at kinaladkad.

Saan nya ko dadalhin?!

---

AUTHOR'S NOTE:

Ayan, posted na ang chapter 4. Mehehehe :3

Buti na lang napiga ko yung utak ko kahit na medyo, nisisipon at sumasakit ulo ko. Dismayado lang dahil 2 pages lang sya =___= or 3 yata? Ano bang trip ng wattpad? Ano ba required na font size? Shssss.

VOTE AND COMMENT KAYO :)

Posted by: @JoyMaryLL

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission: Seducing the Three HottiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon