Mission #1 - List

213 9 3
                                    

Peach's POV

“Tang Ina mo talaga! Wala kang magawa sa buhay mo! Ako na naman napagdiskitahan nyo. Langya naman. Lagi na lang ako nasasaktan! Ajujujujuju. Wala kayong awa sa isang magandang tulad ko! TT^TT”

“Gaga! Ina-ano ka ba ha?” tanong ko sa kanya.

“Hahaha! Wala, nagpa-practice lang ako.”

“Para saan?” sabi ko.

“Sa…kahit saan! HAHAHAHA!”

=________=

Walangya talaga ‘tong babaeng ‘to. Nagh-hysterical na naman ng walang dahilan. Di mo alam kung kailang nagiging matino o hindi. Nakakatakot kausap yan. Napaka-bipolar kasi. Minsan, may sayad minsan masungit di mo alam kung saan talaga sya belong eh. Kung sa normal o abnormal.

“Wala ka na namang magawa Ejin? Eh kung pasakan kita ng tipaklong?” sabi naman ni Celestia.

Ay, nako. Ayan pa yung isang baliw. De joke lang. Wahahaha! Ayan na yung isa pang masungit na mabait. Actually, kaming lahat masungit. Lalo na’t wala naman kaming dahilan para maging mabait di ba? Well, mukha lang kaming anghel, pero masungit kami. Get it? Pakibasa ulit, MASUNGIT. Nakakabasa ka di ba? Gooood!

“Waaaaaaaaaah! Ayoko nga. Si Peach na lang, sya naman mahilig sa mga peste! Hahaha!”  sabi ni Ejin.

Nagtago naman si Ejin sa likod ko at napatingin naman ako kay Celestia. Nanlaki ang mata ko nung na-analyze ko an yung sinabi ni Ejin.

“Waaaaaaaaaaaag! Hep hep! Wait! We-weyt! Di pa magaling yung sinipa mo, papakainin mo naman ako? Ano gusto mo? Maging regular ako sa hospital? Ikaw Ejin! Lumabas ka nga dyan!”

Nakakainis naman ‘tong mga ‘to! Ako na naman agrabyado. Kita naman kasing hirap na hirap na ang kagandahan ko sa buhay, pipilayan pa ulit ako? Saan bang lumalup ng planet Earth galing yang tipaklong na yan? Para pasakan ko ng pot holder! Nakukunsyume na ko. Lanjo.

“Ang arte ng sira ulong ‘to. Buti nga ikaw nakakatikim ng tipaklong eh. Eh yung mga ibang bata? Kanin at ulam! Ikaw lang kakaiba. Kaya mahiya ka.” Sabi ni Celestia.

=___________=

“Oo nga. Buti pa si Celestia may konsiderasyon sa mga bata. Ikaw Peach, wala! Wala! Anong meron? Wala!” sabi naman ni Ejin.

So ako naman yung kawawa dito? Kanina lang si Ejin dapat papakainin ng tipaklong, ngayon ako na naman yung naging topic? Kung hindi ako papakainin ng tiapklong, sisipain. Kung hindi sisipain, nakalunok daw ng rugby. Saan ba ko lulugar? Saan?! Saan?! TT^TT

“Saaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan?! TT^TT”

O.o

Napatingin si Celestia at Ejin sa’kin.

O.O

Ganyan yung mukha nila.

*walks out*

=________=

Nag-walk out na naman si Celstia! Dyan sya magaling! Sa walk out walk out na yan. Tinginan ko naman si Ejin. Shock pa din. Pero parang uma-acting sya na di nya ko kilala kaya ayun, umalis din.

So?

“HOY DALAWANG GAGA! BUMALIK KAYO DITOOOOOOOOOOO!”

Huminto silang parehas pero di lumingon.

“Di po namin kilala yan!” sigaw nilang dalawa.

(__ __#)

Kinakahiya na nila ko.

Mission: Seducing the Three HottiesWhere stories live. Discover now