"Okay, you heard her. Malinaw pa sa sikat ng araw," pagliwanag ni Gerard kasabay ng pagbababa sa tawag.
Imbes na umatras, mas lalong nakitaan ng galit ang ex ni Athena. “You really did mess up my girl. I'm gonna—”
Naudlot ang sinasabi ng lalaki dahil agad siyang sinipa ni Khaos sa mukha. “Stop talking and just get on with it!”
Dahil sa pangunguna niyang 'yon, nag-umpisang magpalitan ng hampas at suntok ang magkabilang grupo. Hindi hamak na mas marami ang bilang ng kalaban kaysa sa Se7en.
“Ser, tama na ho 'yan. Hindi ho maganda ang pakikipag-away,” pilit kong pang-aawat kay Khaos habang kasalukuyang nakikipagbuno sa ex-boyfriend ni Athena.
Muli niyang sinipa ang lalaki kaya napalayo 'to sa kanya pero agad din 'tong umamba ng hampas gamit ang tubo. Nakailag si Khaos kaya tumama ang tubo sa sasakyang nasa likuran niya.
“Ser, baka ho mapa'no kayo n'yan. Daanin n'yo na lang ho sa usapan.”
“Shut the hell up!” sigaw niya sa 'kin na patuloy lang sa pag-ilag sa mga hampas ng kalaban.
“Mali ho kasi 'tong ginagawa n'yo.” Kung siya, hindi natitinag, mas lalo naman ako. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya naaawat.
"You're so fucking loud!” Sa 'kin biglang natuon ang atensyon ng kalaban ni Khaos. Itinaas nito ang hawak na tubo na akmang ihahampas na sa 'kin.
Nakayuko akong napapikit habang balot ng mga braso ko ang ulo ko bilang proteksyon. Ilang segundo na ang dumaan pero wala akong naramdamang kahit anong matigas na bagay. Pagmulat ko, sinalubong ako ng nakatalikod sa 'king si Khaos. Hinarang niya ang tubo kaya sa sarili niyang ulo tumama 'yon. Umaagos ang dugo mula sa sentido niya samantalang wala siyang imik sa kinatatayuan.
“Ser, a-ayos lang ho—”
Bahagya niyang itinaas ang kamay, na para bang hudyat na manahimik ako.
“You guys should start running.” Napalingon ako kay Lyall na nagbigay ng simpleng babala.
“Kapag ganyang tinamaan si Khaos, lalong nagwawala 'yan.” dagdag ni Gerard.
Dahil sa narinig, napabalik ang tingin ko sa wala pa ring kakilos-kilos na si Khaos. Kusa na lang na napahakbang paatras ang mga paa ko. Ilang segundo siyang hindi gumalaw bago iglap lang ay nasipa na palayo ang hawak na tubo ng lalaki sa harapan niya. Sinundan niya agad 'yon ng dalawang mabilis na suntok na nagpahiga sa lalaki sa hood ng sasakyan nito, saka niya 'yon muling sinipa
Hindi huminto si Khaos, tuloy-tuloy niyang inatake ang kalaban hanggang sa mawalan na ng malay ang duguang lalaki.
He then, immediately turned his attention to another enemy. Sinunggaban niya rin 'yon ng walang hesitasyon.
“Potato chips, anyone?” Inialok ni Byron sa mga kasamang nakaupo na lang sa likod ng isang sasakyan ang hawak, habang pinapanood si Khaos na ubusin ang mga kalaban.
“Where's the soda?”
“Kasalanan 'to ng maid,” nakangising sabi ni Zach.
Natutop ko ang bibig. Ako nga yata ang may kasalanan.
“I really like this weird side of Khaos. Getting turned on by his own blood more than the blood of his enemies. It gives me the chills,” natutuwang komento ni Gerardine habang tinititigan ang bawat galaw ng lalaking tinutukoy.
“Sus, alam naman namin na patay na patay ka kay Khaos. Kaya kahit ano pang makita mong ugali niya tanggap mo.”
“Well said,” suporta ni Gerard sa tinuran ni Jiro.
“Ako na naman ang nakita n'yo! Akin na nga yan!" pang-aagaw ni Gerardine sa pagkaing hawak ng kakambal.
Nakakagulat na ganyan sila ka-kalmado. Para bang normal na sa kanila ang maging ganito ka-brutal si Khaos. They're not even planning to stop his rampage.
Hindi ko na rin magawang umawat pa bunga ng nasasaksihan. Nangangatog ang mag tuhod ko dahil sa takot. Naninikip din ang dibdib ko. Khaos is really getting out of control as he continue breaking each of his enemy's face without even saying a single word. His hands are covered with blood while his lips are curved in a smile caused by the bliss of crushing everything he touches.
Cyan, why are you acting this way?
KAMU SEDANG MEMBACA
Power Within II: Bound by a Promise(Under revision)
FantasiI always have this vague dream, of me dying-and of a girl without a face who keeps on calling me a name I've never heard of. Sequel of Power Within Book I: Fated to Meet
IV: FEAR
Mulai dari awal
