“Okay, you're the boss.” kibit-balikat na tugon ni Gerard.
Habang sinusundan nila sa paglalakad si Khaos, tila nakita ko ang pag ngiti ni Gerardine bago sila tuluyang nakalayo.
Sinimulan kong hanapin ang classroom ko. Inaasahan kong nando'n din si Khaos. Sinadya ko kasing maging kaklase siya. But to my surprise, he never showed up. Wala siyang pinasukan ni isang subject. How am I going to watch over him if he doesn't attend his classes?
Nang natapos ang huling klase, halos inikot ko ang buong campus makita lang siya.
"Where to?" Narinig kong boses ni Gerard sa 'di kalayuan.
Natanaw ko ang grupo nila sa parking lot na mukhang may balak puntahan. Mabuti na lang at naabutan ko ang saktong pagbubukas ni Khaos sa pinto ng sasakyan niya.
“Ser, uuwi na ho ba kayo? Pwede ho bang sumabay ulit?”
Ayun na naman ang pagkunot ng noo niya. Sa boses ko pa lang yata, naiirita na siya.
“K, I think we have guests,” natatawang pukaw ni Gerard kay Khaos.
Saka lang din namin napansin ang pagparada ng ilang kotse sa tapat mismo ng kinalalagyan ng sasakyan ng mga miyembro ng Se7en. Mula sa mga 'yon, umibis ang ilang lalaking may kanya-kanyang bitbit na tubong yari sa bakal.
“Just what we need! Action!” excited na sambit ni Gerardine. Patalon 'tong bumaba mula sa pagkakaupo sa hood ng kotse nila ng kakambal.
Isinara ni Khaos ang pinto ng sariling sasakyan at lumakad patungo sa harap ng mga bagong dating. Wala siyang nararamdamang kahit katiting na takot. As if on que, Se7en's members lined up right beside him. Nalunok ko na lang ang laway sa nakikita. They're standing a few steps away from brute looking guys. It's definitely a face off!
“So, who do we owe this visit from?” nakangiting tanong ni Gerard.
“I'm Athena's boyfriend, the girl you made out with!” sagot ng lalaking may malaking katawan habang paulit-ulit na mahinang inihahampas ng tubo ang sariling palad.
“Lagot ka, Khaos,” parang batang pang-aasar ni Gerard na walang epekto sa tinutukoy. Ni walang reaksyon ang amo ko.
Sino kaya 'yong Athena?
"You came here just for that?"
Lalong pumangit ang mukha ng lalaki sa harap ni Khaos nang marinig ang sinabi niya. Litaw na litaw kasi ang pang-iinsulto sa pananalita niya.
“I got Athena on the other line,” sabat ni Gerard.
“That's Gerard for you. Mabilis kumuha ng number ng babae,” puri ni Zach.
Ginantihan naman ni Gerard 'yon ng isang kindat bago nagsalita sa hawak na phone. “Hey Athena, your boyfriend paid us a visit. Why don't you say hi to him.” Nakangisi na naman 'to.
"Boyfriend? I don't have a—or maybe it's my ex," dismayadong wika ng babae sa kabilang linya.
The phone was on loud speaker so everyone heard everything. “Philip, we're long over. Move on! Is Khaos there?”
“Apparently, he's listening.”
“I'm sorry for causing trouble, I'll make it up to you in any way possible,” dugtong ng babae na hindi naging maganda sa pandinig ko. “Meet me anytime, alright?" May kasama pang tunog ng tila halik ang huli nitong sinabi.
YOU ARE READING
Power Within II: Bound by a Promise(Under revision)
FantasyI always have this vague dream, of me dying-and of a girl without a face who keeps on calling me a name I've never heard of. Sequel of Power Within Book I: Fated to Meet
IV: FEAR
Start from the beginning
