[10] Belinda's Lover

18K 327 6
                                    

CHAPTER TEN

NAPANGISI naman si Kobe at ang butones ng kanyang pantalon ang agad na inabot. Bahagya naman niyang iniangat ang kanyang balakang para hindi na ito mahirapang hubarin ang pang-ibaba niya. Nang tuluyan nitong mahubad ang kanyang pantalon ay napabuga siya ng hangin. Nahigit niya ang kanyang paghinga nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa pagitan ng kanyang mga hita.

"Beautiful," bulong nito at kinintalan ng halik ang ibabaw ng kanyang underwear.

Sunod naman nitong hinawakan ang laylayan ng kanyang T-shirt at dahan-dahang itinaas ang laylayan niyon. Tinulungan niya ito pero nagulat siya nang pigilan nito ang mga kamay niya.

"Ipaubaya mo na sa'kin 'to."

Marahan nitong inilagay ang mga kamay niya sa ibabaw ng kanyang ulo. Bawat pagsagi ng mga daliri ni Kobe sa kanyang balat ay siya naman niyang pagkislot at paghigit ng kanyang paghinga. Naging mas maingat ito nang palusutin nito sa kanyang ulo ang damit at iniangat iyon hanggang sa kanyang mga pulsuhan.

Nanlaki ang mga mata niya nang ipanggapos ni Kobe ang sarili niyang damit sa kanyang mga kamay pero wala siyang sinabi.

Bumaba ang mukha nito at hinalikan siya sa mga labi. Tila sinasabi nitong ito ang bahala sa kanya at magtiwala lang siya. Nagpatianod naman siya rito.

Kinapa nito ang hook ng kanyang strapless bra at sa isang iglap lang ay nakahantad na sa mga mata nito ang malulusog niyang dibdib. Billie pressed her thighs altogether and bit her lip.

Gumapang ang isang kamay nito sa loob ng kanyang underwear at sinapo ang kanyang kaselanan. She was already wet for him. Nang haplusin siya nito ay napaungol siya pero sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya.

Hindi niya halos alam ang gagawin. Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Gusto niyang yakapin si Kobe pero nakatali naman ang mga kamay niya kaya napahawak na lang siya sa armrest. Nang lubayan nito ang mga labi niya ay malakas ang naging pagsagap niya ng hangin. Bumaba naman ang mga labi nito sa kanyang leeg.

"Kobe," paanas na tawag niya sa pangalan nito.

"What?" he murmured against her skin.

"'Wag diyan sa leeg."

Narinig pa niya itong mahinang tumawa bago bumaba ang mga labi nito sa dibdib niya.

"Aahh!" Hindi inaasahan ni Billie ang naging reaksiyon niya nang dilaan nito ang isang dunggot niya. Napaliyad siya at muli siyang napaungol nang kumiskis ang kamay nito sa pagkababae niya.

Billie arched her back and curled her toes. Dapat ay magse-celebrate sila ng monthsary kasama ang boyfriend niya pero heto siya, liyong-liyo na dahil sa pagpapaangkin niya sa ibang lalaki. Sa kabilang banda, hindi naman kung sinong ibang lalaki lang si Kobe. Sinabi nitong mahal siya nito at minamahal nga siya nito nang mga sandaling iyon. At gustong-gusto niya ang ginagawa at ipinaparamdam nito sa kanya.

Nang matapos nitong bigyan ng parehong atensiyon ang magkabila niyang dibdib ay bumaba ang mga labi nito at naglandas sa kanyang tiyan. Napaliyad si Billie habang nakaawang ang kanyang mga labi sa nakakakiliting epekto ng ginagawa nito sa kanya.

Nang nasa bandang puson na niya ang mga labi nito ay naramdaman niya ang mga kamay nito sa garter ng underwear niya at dahang-dahang ibinababa, at parang tinutukso siya. Nasa kalahati pa lang ng maliit niyang saplot ang naibababa nito nang bigla itong tumigil sa ginagawa nito.

Belinda's Lover [R-18] [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin