Chapter One

79.5K 1K 38
                                    


JAMES SALGADO was the most beautiful man I have ever met. Matangkad, maganda ang pangangatawan at magaling magdala ng sarili. Hanggang batok ang haba ng buhok niya, palaging magulo na maganda pa ring tingnan. Para bang kababangon lamang niya sa kama o kaya ay nagulo sa pananabunot ng kung sinong babaeng katatapos lamang niyang paligayahin.

He has a chiseled handsome face made for billboards, glossy magazines and fashion runways. Pero mas pinili niyang magtrabaho sa likod ng maningning na mundo ng runway bilang isang fashion show director. Paminsan-minsan na lang siya tumatanggap ng modeling gig sa print-ad.

Palagi siyang makikitang kupas na pantalon ang suot at simpleng t-shirt. Madalas rin, lalo na kung malapit na ang isang show at nagpupuyat na ang lahat para masigurong perpekto na ang lahat ng detalye ay makikita siyang balbas sarado.

Subalit hindi nakabawas ang madalas ay rugged na pananamit sa karismang taglay niya. Katunayan ay lalo pa nga iyong nakaakit sa mga babae. Bagay na sinasamantala at ikinasisiya niya dahil pinapatulan naman niya ang halos lahat ng babaeng may interes sa kaniya. Isa siyang pamosong playboy at lady killer. Napapabalita na lahat ng mga babaeng modelo na dumaan sa show na hawak niya ay naikama niya.

Hindi niya ikinakaila ang mga balitang iyon. Katunayan, sa tuwing may reporter na nagtatanong sa kaniya ng tungkol doon ay ngingiti lamang siya. Iyong ngiti na makalaglag panty, ikanga. Iyong ngiti na kahit sinong babaeng makakita ay halos maglumuhod para lamang maikama niya. Iyong ngiti na kahit pinakamasungit na babae, mapamatanda man o mapabata ay lalambot ang puso.

Mula nang una ko siyang makita, naging laman na siya ng mga pantasya ko. Hindi dahil sa perpektong facial features niya o sa matikas na katawan o kahit sa karisma niya kaya nahulog ang loob ko sa kaniya. Naakit ako ng kanyang mga mata na kahit isang beses at sandali ko lang nasalubong ng tingin ay hindi na nawala sa isip ko. Dumikit na sa memorya ko na para bang isang awiting paulit-ulit na tumutugtog sa utak ko kahit sa pagtulog.

Sa tuwing nagkakaroon ako ng pagkakataong makita siya ng personal, palaging napupunta ang tingin ko sa kanyang mga mata. Sa tuwing nakikita ko ang sensuwal na pagtitig niya sa isang babae, palagi kong nahihiling na sana sa akin niya itutok ang tingin niyang iyon. Bawat haplos niya, gusto ko sa balat ko dumapo, ang mga labi niya, gusto kong sa mga labi ko lumapat. Gusto kong ako ang maging focus ng kanyang atensiyon. I want him to fuck me so bad I dream of him every night. Buong buhay ko ay hindi ko naisip ang ganoon sa kahit na sinong lalaki. Hindi ko inasam ng ganoong kasidhi ang kahit na sino sa buong buhay ko maliban sa kaniya.

Kahit isang beses lang. Iyon lang ang sinasabi ko noon. Isang gabi lang na maramdaman kong halikan, yakapin, haplusin, angkinin ni James Salgado, magiging maligaya na ako. Babaunin ko ang karanasang iyon hanggang sa aking pagtanda. Akala ko noon ay imposibleng mapansin niya ako. I am way out of his league. Twenty six years old ako, sales manager ng boutique ng isang sikat na fashion designer. Habang siya ay thirty three years old, nasa tugatog ng kanyang buhay, successful sa career, pantasya ng kababaihan, kabungguang balikat ang mga sikat na modelo at socialites hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa. Nakukuha ang lahat ng maibigan. Naikakama ang mga pinakamagandang babae sa mundo. Malabong mapansin niya ang isang babaeng katulad ko.

And yet, he did.

Hinding hindi ko malilimutan ang unang beses na hindi na aksidente ang pagtatama ng aming mga paningin. Nang unang beses na talagang nakita niya ako at hindi nilubayan ng tingin. He has an unwavering and intense gaze. Nakakapaso at nakakaakit. Na kapag may nakakuha ng interes niya ay doon na lang talaga siya nakatingin, nawawalan ng pakielam sa ibang nasa paligid. Dagdagan pa ng misteryosong ngiti sa gilid ng kanyang mga labi na para bang palaging may pinaplanong kung anong kapilyuhan pero nakikinig naman at may sense kausap. In the dim light of the club where we talked for the first time, he looked like a handsome devil tempting me to sin.

PATIENT X (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon