Facebook Friends... Chapter 21

Start from the beginning
                                    

Hindi naman siguro aabot sa ganito yung story na to kung wala akong alam sa kanya. Maybe I can say that, I did this to get to know her.

Oo, ako si Clarice, ako ang author ng story na ito! :)

Kinabukasan…

As usual, eto na naman ako, chill lang sa trabaho. Haha. Ako na ata ang pinakarelax na nagtatrabaho! :) Kasi lahat nagagawa ko, basta matapos yung mga routine ko.

Ilang minuto na lang matatapos na yung trabaho ko. At naisipan ko na namang icheck yung Facebook niya! As usual, walang bago! Kaya naman nung natapos yung trabaho ko, tinext ko siya.

Message: 1

To: Andrea

-Kainis ang konti ng nakikita ko sa Facebook mo!

-Bakit hindi mo pa kasi ako iadd? (Totoo ba tong nababasa ko? Gusto niyang iadd ko siya?)

-Seryoso ka? (Gulat na gulat lang talaga ako, hindi ko ineexpect na sasabihin niya yun sa kin.)

-Oo nga, seryoso ako.

Nagisip ako kung seryoso ba siya. Madalas kasi hindi ko siya mabasa. Hindi ko alam kong seryoso ba siya, o sinusubukan niya lang ako. Ayokong i-add siya tapos ipepending niya yung request ko ng matagal? I don’t want to be left hanging and waiting for NOTHING.

-Okay. :) (Ang bilis kong mag-isip! Nag-isip nga ba ako?)

Nung handa na kong i-add siya sa facebook. Nag log-in ako. Bago ko pa tignan ang notifications ko nagpunta ako sa account niya!

Walang yung add friend button! -___-

Kung kelan ready na akong itake yung risk na kahit maghintay akong iaccept niya ako, ok lang, biglang ganito? -___- (Risk agad? Big deal?)

Andrea’s POV

Sinabi ko kay Clarice na bakit hindi pa niya ako i-add sa Facebook. Well for a while, I thought she looks like harmless. At muka namang susunod niya sa mga rules ko. But even though I said that, I am still thinking if I would accept her request.

When she said she alredy know my Facebook account, right away I checked my Privacy Settings. Mahirap na baka may iba pang makaalam ng account ko. And because I don’t want that to happen, inedit ko yung nasa Privacy Settings ko.

Message: 1

From: Clarice

-Masyado moa tang inedit yung Privacy Settings mo. Hindi kita ma-add, wala yung add button eh!

Natawa ako. So she is willing to add me huh?

-Ay sorry, oo nga pala, wala tayong common friend, wait lang.

Agad kong pinalitan yung nasa settings. But still, I am not sure if I’m ready for this. Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Hindi ako sanay ng ganito! Nah, bahala na.

Wala pang 2 minutes after I edit my settings…

1 Friend Request : Clarice San Diego

Ang bilis! Hindi pa ako hindi! Ayoko pa siyang i-add! Wrong move yung sinabi kong, bakit hindi pa niya ako i-add. What was Im thinking! I guess I was out of myself that moment!

Message: 1

From: Clarice

-Are you gonna accept my friend request or what?

Is she trying to demand? Haha. “She’s funny!” (Medyo sarcastic kong sabi sa sarili.)

5 minutes na ang nakakalipas, I cant still decide. So hinayaan ko muna yung request niya. I can’t really think right now.

After 10 minutes…

Message: 1

From: Clarice

-Im giving you 30 minutes to accept my request. I don’t wanna wait like forever.

Haha. This time natawa talaga ako. Is she serious?!

I guess I have no other choice right now but to add her.

Calling Clarice…

“Hello!” bungad niya!

“Okay I my have rules before I accept your friend request.”

“Okay so ano yung mga yun?” She sounds so eager! Tsk.

“Bawal magpost sa wall ko, pwede kang maglike or mag comment sa mga pictures or status ko, basta yung sakto lang. Okay?” She’s the first one na pinayagan kong i-add ako sa Facebook na galing sa Wattpad, so gusto kong maging casual lang kami.

“Okay, so hindi mo pa ba ia-accept yung request ko?!”

“Easy ka lang, masyado kang excited eh, So is it a deal?”

“Okay, deal!”

So there, I accept her request. I can’t imagine na friends na kami… sa Facebook! 

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Where stories live. Discover now