Kung umalis akong talunan. Babalik akong wagi! Nasa akin pa rin ang huling halakhak! Bwahahaha.
Tumigil ako mga five steps from the door at tumingin sa loob. Narinig kong nagpakilala ang tatlo.
"I'm Apollo Kyle Henarez...." ang pinakalider yata sa kanila na may buhok at SHOCKS...kamukha ni Zac Efron! Hala!
"I'm Hades Greg Sarmiento..." ang nambastos sa akin kamukha naman ni Andrew Garfield. Pero wala akong pakialam
"Lastly, I'm Phanes Louie De Castro.." ang hindi ko pa alam kung ano ugali niya. Bago ko pa lang siya nakilala at nakita. Kamukha niya si Freddie Stroma.
Ganyan sila kapanget!
Except sa ultimate crush ko si Zac Efron. Eh. Kinikilig ako. Pero hindi sa ambulansiyang yan. Peksman. Kahit kamukha niya pa si Zac Efron. Eh Kinikilig talaga ako eh. Peksman! Pero hindi sa lalaking ambulansiyang yan.
Napatingin sila sa gawi ko. "Hahahahaha!" tinawanan ko silang lahat. Tinuro-turo ko pa. Para mas nakakainis.
Siyempre nakabawi agad ako. Akala nila, mahihiya ako hanggang sa dulo ng walang hanggan. Never. Dapat ipakita ko pa rin na maganda ako. Grace under pressure ika nga.
Para mas effective ang pang-iinis ko, tinalikuran ko sila. Pumunta agad ako sa loob ng restroom. Naghugas ako ng mukha ko. Baka magkamuta pa ako kung sakasakali. Mas mabuti na ang handa.
Pagkatapos kung makahugas ng mukha. Tumingin ako sa salamin.
Wow! Maganda pa rin ako kahit umiyak ako. Sinuri ko ang maladiyosa kong mukha. Mula sa buhok hanggang sa baba.
Maganda ang pagkalapad ng aking ilong. Makinis ang aking mukha, pero doon lang banda sa noo ko. Yung mata ko maganda ang pagkapungay pero hindi pantay. Unique daw yang mata ko sabi ni Mama. Basta maganda, walang kagaya. Ahehehe. Mahaba na rin ang aking buhok. Alagang-alaga ko yan, shiny and buhaghag. Nilipad kasi ng hangin sa sobrang gaan. Para mas madaling gumana yung hangin effect ko sa salamin tuwing umaga at gabi. Over-all DIYOSA AKO!
"BWAHAHAHA! Ang ganda ko talaga." pinanggilan ko na naman ang pisngi ko.
Pinunasan ko na agad ang mukha ko. Gamit ang towel na dala ko. Hindi na ako nagpulbo. Maganda na ako. Hindi na ako nag-make-up. Maganda na kasi ako.
Lumabas ako, na buo ulit ang kagandahan ko. With the renewed confidence I have, I walk like a princess with matching Tsunami Walk.
Nagsimula ako sa left din sa right. Left din sa right. Para mas maganda at mas bongga. Left din sa right. Back and forth.
Pinagpatuloy ko lang iyon. "Ang ganda ganda mo talaga Chanda Paquita." paulit-ulit kong binigkas ito hanggang sa makarating ako sa loob ng classroom ko.
Tinignan nila ako. Tinawanan nila ako bigla. Pero wala ng effect sa akin ang tawa nila. Napag-alaman ko kasing maganda pa rin ako kahit napapahiya na ako. Hindi pala nakakabawas ng kagandahan, ang kahihiyang natamo ko.
"You may now introduce yourselves." sabi ni prof na pinipigil ang tawa. Pero walang effect din sa akin ang ginawi niya.
"Hi. Hello. Moshi Moshi. Kumusta. Duh! Ang galing ko no. Hahaha. I am Chanda Paquita, ang ganda ko talaga!" buong kumpiyansa kong sinabi sa kanilang lahat.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay taas noo akong lumakad kaagad papunta sa upuan ko. Habang iwinagayway ko pa ang buhok kong maganda.
Tsk. Ano kayo ngayon!! Nakatulala kayo. Wala kayong masabi. Tumingin ako sa tatlong ambulansiya at kay Jude panget. Nginisian ko sila with KITAMS-ANG-GANDA-KO-TALAGA look. Bwahaha
"Makikita ng panget na yan. Iniinis niya talaga ako. Gagawin ko ang lahat para maalis ang panget na yan sa school na ito." sabi ng isang ambulansiya.
Sino kayang panget ang pinagsasabihan nun? Kawawa naman siya kong pagtitripan siya.
Kailangan kong malaman kung sino yun para at least matulungan ko siya at makapaghanda siya. Mag-eespiya ako sa mga ambulansiyang to. Susundan ko sila kung kinakailangan. Dahil naniniwala ako sa kasabihang, ang pag-aaral ay hindi lang para sa magaganda, para rin ito sa mga panget na katulad nila.
Tumingin agad ako sa mga ambulansiya. Napakunot ang noo nila at halatang inis na inis sila sa kagandahan ko. Tumango-tango pa ako. Para mag-agree sa sarili ko. Yeah, sila yung panget na sinasabi ko at marami sila rito.
Sino kaya sa mga kaklase ko ang paaalisin nila rito?
-------------------------------------------------------
Medyo maisy na siya. Pero okay lang sa akin. Pinapatawa pa rin ako ni Chanda. Gusto niyo na ba ng epilogue? XD
Sa susunod na. Kahit nagawa ko na ang ending nito. Drafted na siya.
Bago muna iyon. Alamin muna natin kung sino ang panget na pagtitripan ng mga ambulansiya. Samahan natin si Chanda sa pagtuklas ng katotohanang bubukas ng kanyang mata sa marami pang katotohanang nakapalibot sa kanya. XD
Panget 5
Start from the beginning
