3

4

5

6

7

 8

Walong segundo ako nagreflect sa mga pangyayari at isa lang ang realization ko. Ang kagandahan ko....dahil sa isang utot lang....mababawasan. Walang hiyang utot to oh.

Unti-unting tumulo ang aking luha. Hindi ko pinansin ang mga kaklase ko. Humikbi na rin ako. Ang sakit na rin ng dibdib ko. Nag-iinit na rin ang mga gilid ng mga mata ko. Parang hindi ako makahinga.

Ang kagandahan ko...

"Yan! Ang bilis ng karma. Kanina tatawa-tawa. Ngayon paiyak-iyak. Tsk!" sabi ni Jude panget pero hindi ko alam kung nang-aasar o gusto lang magpapansin sa magandang si Ako.

Pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Bagsak pa rin ang balikat ko. Tumutulo pa rin ang luha ko. Wala na akong narinig kundi ang sarili kong iyak.

Kaya kumuha ako ng panyo sa loob ng bag ko. Pasosyal ko itong pinahid sa mga mata ko. Pagkatapos ay itinakip ko ito sa mukha ko. Nahihiya talaga ako. Ganito ba talaga ang mahiya?

Hindi maganda sa pakiramdam. Parang nilalamon kasi ako ng lupa ngayon.

Mas mabuti na lang kung lalabas ako.

"Excuse me, Sir. May I go out." hindi ko na hinintay ang sagot ni sir sa request ko. Tumayo agad ako.

Bagsak pa rin ang balikat ko. Parang pasan ko ang mundo. Ang pinakaiingatan ko sa lahat ay...ayaw ko ng ituloy ang iniisip ko. Masyadong masakit. Ayaw ko na ng paulit-ulit baka magsawa ang readers.

Dahan-dahan akong lumakad. Hindi ako tumitingin sa lahat ng madadaanan kong tao. Nahihiya talaga akong makita nila ang pagmumukha ko ngayon. Hindi rin ako makatingin kay Jude panget at sa mga ambulansiya.

Bakit kasi doon pa ang daanan palabas malapit sa kanila.

Bago ako makalabas. Narinig ko pa silang tumawa. Doon ko naramdaman ang isang bagay. Kailangan kong....ITAYO ang BANDERA ng MAGAGANDA! SULONG mga DIYOSA!

Ilusyunadang PangetWhere stories live. Discover now