Napatingin ako kay panget, na Jude ang pangalan. Mukhang matatawa na rin. Sige makisama ka sa akin. Kung ayaw mong magkaroon din black-eye.

Nakita ko ulit yung black-eye ng bastos. Pinigilan ko na naman ng todo ang tawa ko.

"Pfffft!"

"Pffft!"

"Pfffft!"

 Sunud-sunod ko na pigil sa tawa ko.

PRRRRRT!!!!


Isang malaking pagsabog ang narinig ko. Nakakabingi ang katahimikan pagkatapos ng pagsabog na iyon. Nakikita ko sa kanilang mukha na parang katapusan na ng mundo.

SHOCKS! Katapusan na nga ng walang dungis kong kagandahan. Kasi sa sobrang pigil ko sa tawa ko....NAUTOT ako. Naku!

Nakanganga ang lahat. Pati na rin ako. Ang lakas kasi. Kung gaano kalakas ang tawa ko kanina. Ganun din kalakas ang tunog ng utot ko.

Bakit ganun? Bakit ngayon pa lumabas? Bakit nabitawan ko ang mga ganitong karumal-dumal na bagay? Bakit?

Ito ba yung sinasabi nila na kapag pinigilan ang tawa..mauutot ka. CONFIRMED! PROVEN and TESTED! Tama nga!

Pero SHOCKS talaga ehhh! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako mahihiya. Ang ganda ko pa naman. 

Lagot na! Madudungisan na talaga ang kagandahan ko. Hindi ko  makakaya to.

Hala!!! Kumakalat na. At ang AMBAHO pa! Kung kaya ko lang hulihin bawat hanging naibuga ko, gagawin ko.

Dahan-dahan akong tumingin sa mga katabi ko. Lahat sila nakatingin sa akin. Nakita ko sa kanilang mga mata na nagsasabing IKAW-ANG-SALARIN at IKAW-ANG-NAGPASABOG-NG-BOMBA.

Anong gagawin ko? Hindi ko talaga alam ang gagawin. First time, ko kasing maramdaman ang ganito, ang mahiya. Diba, kita niyo naman sa ugali ko. Hindi ako nahihiya. Kasi maganda ako eh.

Nalungkot ako bigla. Laglag ang balikat na yumuko ako. Lumungkot na rin ang  mukha ko. Hindi ako umimik.

1

2

Ilusyunadang PangetWhere stories live. Discover now