Chapter 29: No Secrets

Magsimula sa umpisa
                                    

Napa-upo nalang siya “Hindi ko na alam ang gagawin ko”

“Kung hindi ka sana nakipagkita sa Lysa na yun! Papatawarin sana kita…Xander handa naman akong patawarin ka, handa akong tanggapin si Roman sa buhay natin…” Sabi ko habang nakatitig siya sa akin. Panay ang agos ng luha sa aking mga mata “Alam kung bakit Xander? Kasi mahal kita..mahal na mahal kita. Pero wala ehh…you never failed to hurt me over and over again.” Tinuro ko ang kaliwa kong dibdib “Wasak na wasak na ang puso ko Xander. Ina ako…nawalan ako ng anak, dahil sa ano? Sa iyo! Dahil sa’yo nawala ang anak natin… You destroyed the family I wanted to have…the family I wanted to have with you” Umiiyak ako habang sinasabi ko yun “Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan ngayon? Xander para akong mamamatay…” I added as I wiped my tears away.

“God…. Amber tell me… ano ang dapat kong gawin para maibsan ang sakit sa puso mo” He kneeled down on his knees.

“I want you to leave me alone….”

“I can’t---” He held my hand.

I pushed his hand away “Yun lang ang hiling ko Xander. I wanted to be alone.”

Lumapit  muna siya sa akin “Kung pwede lang ako yung masaktan Amber. The more I see you in pain; it doubles up the pain hitting me right now.” Hinalikan niya ako sa noo. Kahit pilit akong umiwas “Mahal na mahal kita.” With that he left.

.

.

.

It’s been three days. Three days since nawala ang baby ko.

Yes, lumayas ako sa condo ni Xander. I can’t bear seeing him again, para bang bumabalik yung sakit na nasa puso ko.

Right now I am staying with Kurt’s condo.

Sabi nga ni Kurt sa akin na panay yung tanong ni Xander tungkol sa kalagayan ko. But I don’t care I am just letting him pay the consequences.

Right now, nandito ako sa puntod ng baby ko nang nakita ko na nandito pala si mama.

“Iha...” She said “Hindi na pumapasok si Xander sa opisina.”

I looked away “Hindi ko na po kasalanan yun”

“I know…. And I am so sorry to what Xander did to you” She cried.

“Ma, wag kayong mag-sorry hindi naman po kayo ang may kasalanan” I held both of her hands.

“Halika let’s have a tea” She offered.

Hindi naman ako makatanggi “Sige po”

Nandito kami sa isang tea house, na medyo walang tao.

She stared at me “Naalala ko tuloy yung sarili ko sa’yo” Sabi niya habang iniinum yung tea niya.

“Po?”

“Ina ako Amber, nawalan din ako. Masakit pa rin isipin yung araw na namatay si Elena…” sa bi niya sa akin.

“Sorry po” I said.

“Don’t be…” She breathed hard “Pero meron pa akong naalala sa’yo”

“Ano po yun?” I raised my eyebrow.

She sighed “The day when my husband told me na may anak siya sa iba…”

Oo nga, mama was saying about Justin.

Dahil hindi ako makakibo she just continue “Sa una masakit, bilib nga ako sa’yo Amber kasi parang kalma kalang… Pero noon isinumpa ko ang asawa ko pati narin si JC. I was a wicked stepmother noon. Until I realized na napamahal na ako kay JC for he never disappointed me. He respected me even though I know half of it was hatred. Napaka-drama ang mundo ko noon habang si Xander walang kamalay-malay…he loves JC as much he loves us. That’s the time I realized that I should be a mother  to JC kasi mahal siya ng pamilya ko, that I should accept JC the way he accepted me in his life.”

We meet again, WIFE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon