Chapter 1 - Introduction

4.5K 77 8
                                    

Naglalakad na ako papuntang eskwelahan, walking distance lang naman eh, bakit magta-tricyle o jeep pa, sayang pera at isa pa gas... Maging mapag-alaga naman tayo sa kalikasan oh.

Hanggang sa nakarating ako sa classroom, haaay... Naaasar ako, ang ganda ng gising ko, yan na naman yung mga bwisit na nagsisiga-sigaan sa school namin.

Haiyyst, aamin na ako. Ang school na pinapasukan ko ay isang DELINQUENT school, binabalaan ko kayo. Parati may nanghahamon ng away, ewan ko ba sa kanila pero maayos naman ang turo ng mga leksyon. Kilala ako rito bilang isang mapag-alaga at mabait na mahinang estudyante, pero hindi naman, at isa pa sa pagiging anime addict.

Unang pasok ko rito, akala ko, maraming Anime Hater dito sobra. Well nagkamali ako...

Pero slight lang naman daw... yun lang.. ahaic!!!

Mabait naman ako basta wag lang anime... ang aasarin mo.

Back to reality.

Nakaharap ko ang isa sa mga naging kaaway ko galing sa kabilang section,akalain mo, pumasok sa room namin at ang aga pumasok, ayaw malate? Delinquent yan.

Haha!

Walang sabi-sabi ay kinuha niya ang binabasa kong manga habang nakaupo ako sa desk ko at nagbabasa. ayy. ayaw ko ng ganyan, bastos yan. Kainis!

''Oy, ibalik mo nga sa  akin yan!'' kunwaring mahina akong sabi.

''Hahaha, anong manga to? Na naman!? Gaganti ako sa iyo ngayon, Maganda 'tong punitin at sunugin!'' sabi niya. Bwisit tong talunang lalaking to!

"Ano bang problema  mo? Sino ka ba? Mangunguha ka di naman kita kilala, wag ka nga!'' sabi ko sa kanya saka inagaw ang manga book ko pero inilayo niya ito.

''Ako, di mo kilala, si Lance na leader ng Dark Society dito? Ow... Gaganti lang ako sa pagsira mo ng isa sa mga tambayan at teritoryo namin, cry little baby, hahaha!'' sabi niya ng natatawa.

Little baby, hayy... hinga ng malalim... Kaya ko pang tanggapin yun para lng mapanidigan ang pagkamahinang pagpapanggap ko. Pero sinusubukan niya ang pasensya ko....

"Eh sa hindi nga kita kilala eh!'' sabi ko ng medyo pasigaw na. Pun.. ye.. ta.

Pinunit lang naman yung manga book ko, isa isang page... At sinunog sa harapan ko. Anong!?

Walang sabi-sabing tinuruan ko ng leksyon, sinapak ko at yun humagis siya palabas ng room namin. Sabi ko wag nya kong subukan eh.

''Oo! natatandaan kita, yun bang pagsunog namin sa teritoryo niyo? Wag kang mag-alala, pati ikaw susunugin ko na rin!' galit ko na sabi kasi galit na talaga ako. Pinag-ipunan ko rin yung manga na yun kahit papaano no! Nakakaasar, ang ganda ng gising ko eh.

Binugbog ko siya, sipa rito, suntok doon... Bakit kasalanan nya naman hayst galit na galit ako.

Tipong hinawakan ko na ang kwelyo niyo at ihuhulog na sa building namin... Third floor kasi ang room namin, kahit first year pa lang...

Biglang may dumating, pasalamat siya.

"Nathalie!'' sigaw nun at napatigil ako. Ah, mga kasamahan ko...

Naku, pasalamat ka talaga kung hindi patay ka sa akin . Argggh.

''Itigil mo na yan kung ayaw mong ma-suspend!'' sigaw nun at alam ko si Renziel yun, di ko naman siya best pero close friend naman. Anime ang bestfriend ko eh, hehe.

Huminga muna ako ng malalim at binitawan siya. Hay, binadtrip ako eh.

''Pasalamat ka at dumating sila kundi kanina ka pa wala sa mundo na na ito. Sakto sa timing ah!'' sabi ko dun kay Lance ba yun saka lumingon sabay ngiti sa mga kagrupo ko sa Maidens.

Ms. Anime Lover vs. Mr. Anime HaterWhere stories live. Discover now