Napapikit ako dahil sa dami ng lumabas sa bunganga niya sa loob lang ng ilang segundo. The only people I care about is my family, and Se7en, just them. Wala akong pakialam sa sirkumstansya sa buhay ng ibang tao.
“Magaling ho akong magluto. Masipag ho ako.”
Patayo na 'ko para pumunta sa kuwarto dahil wala na 'kong balak pakinggan siya nang biglang nagbago ang tono ng pananalita niya.
“Hindi n'yo ho ako mapapalayas dito, ser. Tatay n'yo ho ang kumuha sa 'kin kaya siya lang din ho ang pwedeng magpaalis sa 'kin,” matigas niya nang turan.
“Aalis ka o kakaladkarin kita palabas?!”
Nag-umpisa siyang dumistansya matapos marinig ang sinabi ko. Pumunta siya sa likod ng isang upuan. “Hindi n'yo ho ako mapapalayas, ser. Magaling ho ako sa takbuhan. Kahit maghabulan tayo rito maghapon, 'di n'yo 'ko mahuhuli at makakaladkad palabas,” sabi niya pa na para bang makikipag patintero.
“You better know how to run fast! Dahil kapag nahuli kita itatapon kita pabalik sa mund—” Kusa akong napatigil sa sasabihin, kahit ang katulong ay napatitig lang sa 'kin.
What was I about to say?
“Ayos lang ho kayo, ser?”
“Mind your own business!” pagwawalang bahala ko sa nangyari. Sinimulan ko siyang hulihin.
Chasing her turned into an involuntary game of tag. Kung saan-saan siya tumakbo at lumundag. Madalas, umiikot siya sa likod ng mga kasangkapan at istante. Pagkatapos, iikot pabalik kapag sinubukan ko siyang hablutin. Masahol pa siya sa bata!
Ilang minuto rin ang nasayang ko bago nagkaro'n ng tyansang mahawakan siya sa braso. I then, agressively pulled her to my direction. Pareho kaming napatigil. Napatingin na lang ako sa mga mata niya. Her eyes looked so familiar—
Agad ko ring sinaway ang utak sa naisip. I swiftly carried her over my shoulder.
“Ser, ibaba n'yo ho ako! Hindi ho ako aalis dito!” Nagsisigaw siya na parang kakataying baboy. “Ser, dito lang ako!”
“Shut up, you ugly pig!”
“Maka-pig naman ho kayo. Ang hard n'yo naman. Pero ser hindi ho talaga ako aalis dito.”
Padabog ko siyang ibinaba sa labas kasunod ng maleta niyang kanina ko pa hatak.
After making sure that the gate is locked, I went in without looking back. Mabilis kong tinungo ang kuwarto. Due to my throbbing head and exhaustion I immediately fell asleep right after I threw myself on the bed.
YOU ARE READING
Power Within II: Bound by a Promise(Under revision)
FantasyI always have this vague dream, of me dying-and of a girl without a face who keeps on calling me a name I've never heard of. Sequel of Power Within Book I: Fated to Meet
III: MAID
Start from the beginning
