Athena, Venus, show thyself before me!

Ang OA ko lang ngayon.

"Whoosah!"

Ang OA ko ng mag-isip.

"Whoosah!"

Kailangan kong pakalmahin ang utak ko.

"Whoosah!"

Ngayon lang kasi ako nag-isip ng ganoon sa isang lalaki. Sa panget pa.

"Whoosah!"


Hay salamat nawala na.

He chuckled again.

What?! Ano ba naman ito? Hindi na ba matatapos ang pag-iisip ko ng ganito?

Tumayo ako at naghanap ng bagong mauupuan. Hindi ko na tinignan ang panget na iyon. Hindi ko alam kung bakit. Kahit alam ko, magdedeny ako. Ganyan naman talaga sa wattpad. Kahit alam naman yung dahilan, sasabihin na lang na hindi alam, para may-e-update sa sunod. 

Sa gitna ako tumayo para maghanap. May nakita naman akong bakanteng upuan. Kung walang bakante, gagawa ako ng paraan para magkabakante.

Medyo malayo sa panget ang bago kong uupuan. Salamat naman at malayo.  Pumunta na ako doon. Naggive way naman yung mga nadadaanan ko.

Bakit kasi ganun? Bakit?! Bakit ganun ang naisip ko. It is new to me. How could he do this to me? He raped my mind. Charot!

Kailangan kong tanungin si Nanay. Hindi ako mapapakali nito. Kailangan ko ng sagot.

OH! Sana...hindi totoo itong iniisip ko. Sana hindi parehas ng mga konklusyon ng mga readers na nakakabasa nito ang nangyayari sa akin.

Yari ang kagandahan ko nito.

Dumating na ang professor namin at...siyempre getting to know each other stage na naman ang mangyayari sa unang araw ng eskwela. Para na rin ito sa mga readers. Makikilala na nila ang si Panget...Argghhh...at ang mga ambulansiya.

Tumayo ang nasa unang upuan at nagpakilala. (Random names na unang papasok sa utak ni gwapong author. XD)

"Hello!" *Insert malading kaway here. Malanding pabeautiful eyes here*

"Good afternoon everyone." *insert malanding smile here* tumingin siya sa mga ambulansiya at sa mga lalaki.

"I'm Eunice Jane Dimapuro. Blah blah blah blah blah."

At sunud-sunod na nagpakilala ang mga kaklase ko.

"I'm Regor Halokata....

Anita Masagika...

Rhea Nandunka...

Mario Bobita...

Dianggo Masakitha...

Warren Jingleka...

Haro Kotangkota...

Leah Ipashokpa...

James Ilabashna

Karl James Madafaka


At marami pa sila.

Sunod na nagpakilala ay si Panget.

Nagtilian ang mga babae. Ang iingay!

"Girls and...some of the boys here! QUIET!" utos ni prof.

Tumahimik naman ang mga babae at lalaki raw. Pero ang mga babae, kinikilig. Parang mga kiti-kiti na sila.

Si Panget? Ngumiti siya sa lahat lalong-lalo na sa mga babae. Paano ko nalaman kasi...nakatingin ako sa kanya...Ang gw.......STOP! DON'T THINK ABOUT THAT!...Ang gwantis ko nasan? Hays! Palusot.com

Nakita ko siyang tumingin sa akin at ngumiti siya ng nakakaakit sa akin.

Hindi ko alam ang iisipin. Hindi ko alam ang irereact. Hindi ko alam. Naiiyak ako. Gusto kong magwala. Gusto kong uminom ng maraming tubig. Nag-iinit ang mukha ko. Gusto ko ng malaking bloke ng ice at ipukpok sa ulo ko para lamigin ako ng todong-todo. Harshtag!

Nakatingin pa rin ako sa kanya. Hindi ko maalis ang mata kong nakatuon sa kanya. Para siyang magnet. Ang aura niya, ang tayo niya, ang ngiti niya. ARgggh. Ginayuma yata ako.

"Hello girls! I'm...(search sa SHOUT OUT ang name ni Pherb...yun! Sa Chapter 3)..Jude Razul Gamboa. Hot Music lover. Handsome Dancer. *Insert wink niya here for me* Yummy Sports enthusiast and if you want to know anything about me, aside from these, search my name on the net. Thank you."

Sigawan ang mga babae. Hampas ng kung anu-ano sa upuan. Hampas sa mga katabing lalaki. Sipa ng sipa. Yung iba nakatulala....nakatulo ang laway...nagshine ang mga mata. Ang harot lang nila.

Habang pabalik siya sa upuan niya. Ngumingisi pa siya sa akin. Sa akin talaga. Marami na naman akong mga comments na naririnig. Pero hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kong bakit.

Ang ngisi niya. Parang alam ko ang ibig sabihin. Ngising...SEE-YOU'RE-DROOLING.

What! GRRR!

Hindi pa ako natatapos sa isang to ay may sumunod na naman....ang tatlong ambulansiya...

Hala?!!! Tatawa ba ako o matatakot?!! Lagot na!

------------------------------------------

Hindi na lang pala ako hihingi ng votes. Kusa naman ninyong ibibigay yun eh.

Pero kung magka50 votes kaagad to, Aba, mag-a-update kaagad ako.

Ilusyunadang PangetWhere stories live. Discover now