"Ano? Ididikit mo pa iyang braso mo o...BABALIIN ko yan?" galit kong sabi sa kanya.

Inalis niya rin ang braso niyang nakapatong sa upuan ko.

Dikit ng dikit sa akin. May HD talaga ito sa akin. Masyadong rin clingy ang lalaking to. Sabi na nga ba...sinasabihan lang akong panget para mapansin ko siya. Duh! Akala niya hindi ko mahahalata.

Naisipi ko na naman ang pagkabastos ng ambulansiyang nasa likod ko. Nag-iinit na ang ulo ko.

Huminga ako ng malalim at binuga ito.

"WHOOSAH!!" sabi ko sabay buga ng hangin.

Nakatingin lahat ng mga kaklase ko sa akin. Alam kong kanina pa. Gusto ko lang sabihin.

"WHOOSAH!!" sabi ko ulit sabay buga ng hangin.

Pinapaypayan ko na rin ang sarili ko ng sarili kong kamay. Nag-iinit ako. Coz...I'm hot. Charot!

"WHOOSAH!!" sabi ko na naman sabay buga ng hangin.

Paulit-ulit kong ginawa ito hanggang huminahon ang sistema ko. I need to calm dowm and compose my eternal and godly beauty.

Effective way naman ito para sa akin. Nakita ko kasi itong ginagawa ni Marcus Burnett isa sa mga bida sa The Bad Boys na pelikula. Kaya ayun sinunod ko.

Mabuti na lang wala pa ang professor namin. Kung hindi baka mapadala ako sa guidance office. Mawawala ang scholarship.

Yeah, scholar ako. Maganda kasi ako. Sa sobrang ganda ko, pati katalinuhan naakit sa akin at BOOM!...naging matalino ako. Diba may connect. MAY CONNECT DIBA! AGREE KAYO! AGREE! Yan!

Teka, heto na naman ako, nag-iiba naman ang landas ng pag-iisip ko at nalulunod na naman ako sa sarili kong kagandahan.

Balik tayo sa pagpapakalma ko sa sarili ko.

Hay, salamat naman at nagawa ko. Kung hindi baka duguang lalabas sa room na ito ang lalaking nambastos sa akin.

Bigla naman nagsalita ang katabi kong panget. "Grabe ka, Panget hah! Tapang mo! Para kang tigreng binuhusan ng asido sa mukha. Amazonang-amazona ang dating." sabi sa akin ni panget.

"Talk to my hand!" sabay pakita sa kamay ko.

He chuckled.

What?! (search muna sa google translate ng tagalog ng chuckle! Ah, ayun.) Ang ganda ng marahan niyang pagtawa. Nakakaakit.

What did I say? What did I thinK? What did I do to myself to say that? What did monstrous evil...what?! What is happening to me?!

Ilusyunadang PangetWhere stories live. Discover now