Chapter Sixteen

63 3 1
                                    

"I know you." Sambit nito.

Hanggang dito pala ay umaabot mga photos ko sa pag momodelo?

"Well, siguro nakikita mo na ako sa mga magazines, okaya ay sa mga malls dahil may kinukuha akong projects ng clothing brand."

Matagal na nakatingin lang sa kanya at tahimik ang babae ng walang reaksyon.

"I have no idea what you're talking about." seryosong sabi ng babae.
Napapikit pikit na lang si Kristian at napahiya.

Langya, proud pa naman akong nagsasabi ng projects ko!

"Ikaw yung lasing noon sa bar na di marunong umuwi."

Aray naman! Pero, ano bang sinasabi nito?

"Huh?" tangi lang niyang nasabi.

"Years ago. Nagpatulong mga guard para alalayan ka. Ako yung naka motor na nag hatid sayo pabalik sa hotel mo."

Inalala niya ang mga nakaraan at naalala ang babaeng may magandang mata.

"Ah, oo! Now I remember!" siya nga pala yung napagkamalan kong lalake noon! Shit! "Pero, sa Manila yun ah, taga dito ka?"

"Oo." matipid na sagot nito.

May humihila sa laylayan ng damit niya. Nakita niya si Kakai at may inaabot sa kanyang Crackers. Napaka sweet na bata!

Yumuko siya at tinapik ang ulo ng bata.
"Thank you, Kakai!" Mabuti pa 'tong bata, mukhang mabait at hindi weird.

Nakita niyang hinugasan na ng bata ang sugat sa tuhod dahil basa ito. Alam naman pala niya ang dapat gawin kapag nasusugatan, hindi na kailangang sabihan.

"Maligo ka na, puntahan natin ang Mamang." Sabi nito sa bata.

Malungkot na tinignan ni Kakai ang tuta na pumunta na pala sa nanay nito.

"Pabili ka na lang kay Mamang ng tuta pag dating mo doon."

Tumango na lang ang bata sa babae at lumapit kay Kristian.

"Babay po, tito!" Paalam ng bata sa kanya. Iika-ika itong pumasok ng bahay at mukhang sinunod na ang utos sa kanya.

"Thank you sa pag hatid sa bata. Papasok na ako at gagamutin yung paa niya." Hindi na ito naghintay ng sagot at tumalikod na.

Naiwan na sa terrace si Kristian na nagtataka.

Ang weird naman nung babae?

Umalis na siya at nag decide na bumalik na sa farmhouse. Siguradong naghahanap na ang mga kasama niya. Wala pa naman siyang number na pwede dito sa Pilipinas kaya di pa siya makokontact ng mga kasama.

-o-

"Where'd you go?" Tanong ni Angel pagdating sa tinutuluyan.
"I just went around to calm my nerves. I'll just change my clothes."

Nagpalit na ng simpleng white tshirt ito at black pants. Sinuot na rin niya ang black fedora niya, para may konting porma.

 Sinuot na rin niya ang black fedora niya, para may konting porma

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
200 Pounds Of TLCWhere stories live. Discover now