Chapter Twelve

96 4 3
                                    

"OH MY GHAAAAAD!!!!"
Pagsigaw ni Louisse nang maibalita niya rito ng bagong balita.

"Grabe ka naman kung maka sigaw diyan! Hinaan mo nga, baka bigla tayong katukin ng kapitbahay!"

"Sabi ko na nga ba, kung kailan nila tayo inaasar dun sila nafo-fall sa atin eh! Sino kaya mangaasar sa akin kambal?"

"Ako na lang mangaasar sayo, alam mo namang labs na labs kita, pakiss nga bhe..." sinugod niya ang kaibigan nang naka nguso.

"Ay syet, huwag ikaw!" pinigilan niya si Melody sa pag aawat ng mukha nitong naka lapit sa kanya. Nagtawanan sila habang nagaasaran. Tumigil lang sila nang napagod na silang dalawa at napaupo na sa sala.

"Pero kambal, paano set up niyo niyan? Hindi kayo pwedeng mahuli ng admin, baka matanggal ka sa trabaho. Pasyente mo parin siya."

"Oo, yan nga naisip ko. Hindi pa namin napaguusapan ang tungkol diyan, pero bukas ipapaalam ko sa kanya. Pati ang mama niya na dumating kanina, parang naka halata yata sa pagiging clingy ni Kristian habang nagtighten ng screws si Doc Mike. Nakaka ilang nga yung pagsulyap niya kanina."

"Baka hindi naman, syempre kailangan ka niya at that time kasi masakit yung procedure."

"Eh tapos na yung procedure naka kapit parin siya sa akin eh, iyon ang inaalala kong makahalata si mama niya."

"Ingat na lang kayo, kambal. Huwag masyadong maglalapit kapag may mga bisita. At tsaka..." pagputol na sabi ng kaibigan.
"Mag lock kayo ng pinto." At may nakaka alam na ngiti sa mga labi nito.

Sa sumunod na araw ay nakapag usap na sina Kristian at Melody patungkol sa set up nilang dalawa. Lagi lang silang magkatabi o kaya ay magkahawak ang kamay.

Naghiwalay silang bigla nang may kumatok sa pinto. Pag pasok ay may dalawang lalakeng matatangkad ang pumasok.

"Yñigo! Yael!" Bati ni Kristian sa mga ito.

"Tol! Oh, anong nangyari sa'yo insan? Grabe, may bakal pa pala paa mo, di ba masakit 'yan?" Tanong ng mas payat na lalake. Nakipag fist bump pa ito sa kanya bilang pag-bati.

"Anong hindi? Masakit kaya tol! Sobra! Ikaw kayang lagyan ng bakal sa paa?"

"Sebastian?"
Napatingin na si Kristian sa isa pang pinsan nang banggitin nito ang apelyido ng girlfriend.

Bakit niya kilala si Melody?

"K-kilala mo ako?" Nagtatakang pagtanong ni Melody. Well, at least dalawa sila ni Melody na naguguluhan. Kumunot ang noo ni Kristian at napasandal ang mga siko sa unan para itaas ang sarili sa kama.

"Aba, oo naman! Magkapareho tayo ng University na pinasukan. Hindi lang pareho ng college. Diba kasali ka pa sa varsity team ng College of Nursing?"

Napatango na lang si Melody at ngumiti sa kanya.

"Ah- Yñigo nga pala, fan mo kami ng mga barkada ko." pagpakilala nito sa kanya nang naka handa ang kamay para makipag shake hands.

"Melody." Pag bati naman nito pabalik.

"Grabe, akalain mong dito pa kita sa states makikilala,at nurse ka pa ng pinsan ko?"

"Teka nga? Anong fan? Anong sinasabi mo?" Nagugulong pagsingit ni Kristian sa usapan ng dalawa. Hindi na niya mapigilang manahimik kaya naman nagsalita na siya.

Akmang sasagot na sana si Yñigo nang biglang sumabat si Melody.
"Ah, wala lang iyon, noong college kasi napilitan kami nina Louisse sumali sa sports fest, kasama kasi sa grade namin."

"Ay, oo kilala na kita!" Pagsingit naman ni Yael na lumapit pa kay Melody. "Ikaw yung- aray!" Nasiko siya ni Yñigo ng di sinasadya.

"Oo!" Natatawang sagot ni Melody na parang nangingisi.

200 Pounds Of TLCWhere stories live. Discover now