Dumating na nga sila pero teka may kulang ,nasan ang honey ko .

"Asan si shanen" sabay naming tanong ni mark buwiset talaga to eh .

Napatingin sila samin at napatawa .

"Easyhan nyo lang bro ,ayaw nang kapatid ko sumama dahil daw kasama kayong dalawa" sabi ni captain

Nalungkot naman ako bigla at nung tinignan ko si mark eh ganun nga din sya .

" nako wag kayo maniwala dyan ,nandun sa may isang stall may tinignan lang at papunta na sya dito" sabi ni janine

" oh ayan na pala sya eh " sabi ni rence sabay turo sa direksyon ni shanen na papalapit samin.

Grabe ang ganda nya talaga yan lang ang masasabi ko habang papalapit sya samin, ngayon ko lang sya nakitang ganito ,yung nagayos ,ang ganda nya talaga buwiset mapipigilan mo bang umibig sa kanya kung parang napaka perpekto nya ugali ,good looks ,sense of humor,personality,talent ,brain, kaso di sya babae kaya wla talagang perfect.
Tinignan ko din lahat ng kateam ko at lahat sila manghang mangha kala mo nakakita ng artista ,at si mark ngiting ngiti .

" hui para naman kayong mga tanga eh " sabi ni shanen

At bumalik na nga sila sa ulirat

" shanen sigurado ka bang hindi ka babae kasi hanggang ngayon eh nagtataka oarin ako kung bakit ka ganyan " sabi ni marvin
Lpl
"Oo nga , sana babae ka na lang no para pakasalan kita " sabi ni jake

Sinamaan namin sya ng tingin ni mark at saby batok aa kanya ni captain .

" sira ulo talaga kayo" sabi ni shanen

Lumapit sa kanya si mark at niyakap nya ito , at sinabing I miss that look of you . Mukang matagal na nga silang magkakilala nakakabuwiset lang alam ko namang wala ako karapatang magselos dahil hindi nya ko Boyfriend .

"Uy nagseselos " pangaasar sakin ni Jonas

" oh ano naman" sagot ko sabay ngiti

" patay tayo nyan mukang tinamaan ka na talaga kay shanen " sabni ni jonas

" sshhhhh wag kang maingay "

"So totoo nga" tanong nya

" ewan ko"

"Pano si Maggie " tanong nya ulit

" anong pano ,look di ko hihiwalayan si maggie no ,im just happy when shanen is their " suhistyon ko

" ok " yun na lang sabi nya

Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang pag kakahawak ni mark sa kamay nya .

" Hi honey your so pretty today "

" Ha ... Ah thank you " nagblush sya ang cute nya talaga siguro may crush narin to sakin well no string attached naman diba kaya baka pinipigilan nya .
Di ko napaigilan kurutin yung pisngi nya .

" aray ko naman masakit ah " sabi nya

" sorry ah ang cute mo kasi eh "

"Hey wag nga kayong magtaksil sa harap ko " sabi ni Mark

At natawa na lang ako .

Gumala kami naglaro tapos kumain ,pagkatapos namin kumain ay manunuod na kami nang sine .Kahit nangako kami ni Mark na di magbabangayan ay di namin mapigilan pag isa samin ang dumidikit kay shanen.
Di ko rin mapigilan laging mapatitig kay shanen ,ang ganda nya talaga pagnapapansin nya kong , nakatingin sya titingin lang aya at ngingitian ako , Fuck that smile I really love his smile .

Shanen point of view

Sobra talagang saya ko sa paglalaro at pamamasyal tapos na din kami kumain at ngayon ay nakapila kami sa bilihan ng ticket ,ang gulo nang dalawa lagi kami pinagtitinginan nag mga tao dahil sa dalawang to aside sa makulit sila eh dahil nga din sa gwapo sila . Maririnig sa mga tao ang ganto ( ay sayang ang gagwapo pa naman dun lang sa beki napunta ) meron pa ( ang swerte naman nung girl oh pinagaagawan sya nung dalawang boys) ito pa ( hala grabe muka silang lahat artistahin ) hahhhaha may lalaki pa ngang nagpapicture kay janine at sakin  ,si kuya makikita mong pulang pula gustung manapak ,yun dalawa naman ang sama nang tingin sa lalaki hahhahah, nagulat ako nang hingin nya yung no. ko at ito ang ginawa nang dalawa.
Bumakod si Mark sakin si brix naman hinarap yung lalaki .

" alam mo bang maswerte ka dahil pinagbigyan ka naming magpapicture " sabi ni brix

" yung  no sobra na yun " sabi nya ulit
Si mark naman ang humarap sa kausap

" kaya kung ayaw mong malumpo umalis ka sa landas namin" sabi nya

Hinawakan ko yung dalawa at hinila sabay senyas sa lalaki na sorry .

Ngayon nagaaway ang dalawa kung sino magbabayad nang ticket ko dahil naiwan ko sa kotse yung pera ,kaya ang naging ending si kuya ang nagbayad .
Sobrang kulit nung dalawa pati sa loob ng sinehan nakailang saway ako ,hahhahah pero ansaya ,horror yung pinanunuod namin si mark chill lang ,sabi nya pagnaatatakot ako eh yakapin ko lang sya ,utut nya di ako matatakutin samantalang si brix ayun takot na takot mapapahawak sakin at takip ng mata pag intense na yung eksena ,pinabayaan ko lang sya kalalaking tao takot sa multo hahahhaha .

Naging masaya ang pamamasyal namin at di namalayan na gabi na nagpaalaman na kami yung team sumabay na sa kotse ni mark at brix ang kulit oa nga nang dalawa kiss daw bago umuwi ay nagkasundo sila sa idyang yun kaya tagisan kutos ang inabot nila kay kuya samin naman sumabay yung dalawa kong bff sa bahay na sila matutulog napagusapan na namin yun yung dalawa nga gusto sumama ,kaya nabulyawan sila ni kuya . Habnh naglalakad kami palabas apat ay may naalala ako ,sinabihan ko sila na hintayin na lang ako sa kaninang pinagkitaan namin at may bibilhin lang ako ...

Agad agad akong tumakbo para maabutan yung kwintas baka kasi may bumili ,nang mahawakan ko na ay may humawak din .

" bibilhin mo " saby naming sabi

"Tapos napatawa kami saglit "

"Oo" sabay ulit

Pinagmasdan ko yung lalaking may hawak ng kwintas muka syang straight gwapo ,mestiso mukang artistahin mukang may lahing american siguro filam to .

Binigay nya sakin yung kwintas .

" ikaw na lang bumili muka kasing gustong gusto mo eh " sabi nya

" talaga ba salamat ah "

" ito na lang bibilhin ko" sabay angant nya nang kamay nya na may hawak na ibang design nang kwintas

" may pagbibigyan ka " tanong ko

" ah oo birthday ng pinsan ko " sabi nya

"Ah salamat ulit ahhh" sabi ko.

Dumiretso ako sa cashier at pumila na ,nasa likod ko sya at alam kong pinagmamasdan nya ko ,naiilang man ako pinabayaan ko na lang .

" Hey I can resist so say this ,your pretty" saby ngiti nya

" ah salamat "

Nung magbabayad na ko kinapa yung bulsa ko ,shemay nakalimutan ko nga pala yung wallet ko sa kotse . kay inabot ko sa kany yung kwintas  na ikinataka nya.

" I forget my wallet ,ikaw nalang bumili nyan siguro naman meron pa ulit nyan next time" sabi ko

Napatango na lang sya .

Naglalakad na ko malapit sa mga kaibigan ko nang may kumalabit sakin . Yung lalake sa shop.

" ito oh " sabay abot sakin nung paper bag

" ano to"

" yung kwintas ,binili ko na para sayo sana tanggapin mo considee it as stranger gift " sabi nya

" ha ,o sige salamat ah ,dont worry pag nagkita ulit tayo babayaran kita" sabi ko

" no hindi na " pagtutol nya

" sige na tsaka di naman natin alam kung magkikita pa tayo " sabi ko nalang

" oo nga pala si nice meeting you " sabi nya sabay takbo ako din naglakad na.

Sayang nakalimutan kong itanong yung name nya well ,yaan mo na nga baka magkita pa kami.

Hi guys antayin nyo na lang ang next chapter love you all....muahhhhh

Can LOVE ForgetWhere stories live. Discover now