F.A.B. (A Fat Fiction )

110 5 1
                                    

 Note: This story is purely fictional and it doesn't mean to offend anyone. 

-

"Isang large fries, caramel sundae, large coke, spaghetti at dalawang cheese burger all for take out."

Tiningnan ako ng kahera mula ulo hanggang paa. "Is there something wrong?" Tanong ko dito. 

"Baka po may idadagdag pa kayo." Sarkastikong sabi nito. 

"Actually, yes. Buti natanong mo. Nuggets na din pala." Agad kong kinuha ang wallet ko. "How much?" 

Saglit akong napatingin sa kahera and I saw her looking at me with disbelief. 

"Here." Inabot ko ang bayad ko na siyang kinuha niya naman. 

Hindi ako manhid. Alam kong pinagtitinginan na kami dito sa counter. Ang dami ko kasing inorder idagdag mo pa ang napaka-habang pila dito. For sure, madami nang nabwibwisit sa akin. 

"Enjoy your meal, Ma'am." Pasigaw na sabi nito. 

"Thank you." Walang kibong sabi ko. 

Maya-maya'y nakarinig ako ng mga bulong-bulungan. 

"Sabi ko sa iyo, kaniya lang lahat yung inorder niya, e."

"Hayaan mo na, hopeless na talaga yang mga katulad niya."

Napatigil ako sa harap ng dalawang nagbubulungang may edad na babae matapos kong marinig ang salitang 'hopeless'. 

"Excuse me? Bakit hindi niyo na lang iparinig sa akin mismo ang mga pinagbubulungan niyo? E, tutal naman, rinig na rinig ko din naman kayo. Nananadya ba kayo?" Naalala ko na matatanda pala itong mga nakausap ko. ".....po?"

"Akala mo ang ganda ganda." 

"Oo nga, puro taba naman." 

Nagpatuloy pa din sila sa pagbubulungan na nakapagparindi sa akin. Tumaas ang kilay ko na halos umabot na sa kisame ng fast food chain. 

"So what if I'm fat? At least, hindi ako katulad niyo na mukhang kalansay" Muli kong naalala na kailangan ko pa din palang magbigay respeto sa mga gurang na ito. "......po!" 

Hindi ko na hinintay ang mga sasabihin nila at agad akong umalis. I don't want to start a fight and I'm not that kind of person. Well, I was...before.

Lumabas ako ng fast food dala-dala ang mga paper bags na naglalaman ng mga inorder ko. Gamit ang siko ko, pilit kong binubuksan ang glass door. 

Nakakainis. Nasan ang guard na siyang taga-bukas ng pintuan para sa customers? Nasaan na siya? Wala man lang bang mag-'thathank you come again' sa akin? Hirap na hirap kong buksan ang pintuan nang may tumulong sa akin sa pagbukas. 

Tiningnan ko naman kung sino itong tumulong sa akin. "Thanks." Sabi ko dito. 

Hindi ito sumagot ang lumabas na ng pintuan. Sumunod naman ako palabas. Nakita ko na lang itong nakatalikod sa akin at agad na pumara ng jeep. 

"Ang gwapo." Nanghihinayang kong sabi. The heck, minsan ka lang makakita ng mga ganyan. At tutulungan ka pa! 

Pumara ako ng taxi at dumiretso na pauwi para makain ko na ang mga pagkaing inorder ko.

Large fries, dalawang cheese burger, spaghetti, caramel sundae, large coke at nuggets.

You're all mine! 

Ha! So, what if I'm fat? Basta ang alam ko, masarap kumain!

F.A.B. (A Fat Fiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon