Chapter 5: The Start Of Something

Start from the beginning
                                    

Wah! Sinementohan nga ang paa ko!

Ni-try kong iangat. Ambigat!

Badtrip!

“Mayumi…?” tawag pansin sa’kin ni Mika.

“MIKA!!! Bakit sinementohan ang paa ko?!”

“Bali kasi eh…”

Alam ko na yon eh. Sabihin pa ba ang obvious!

“Bakit hindi na lang nilagyan ng splint?”

“Mas maganda na i-cast ang paa mo kaysa sa splint… masyado ka kasing malikot, hindi magse-set yang buto kung splint lang.”

"Bakit hindi fiber glass na lang ginamit?" 'Di hamak naman na mas magaan yun kaysa sa plaster of paris na ibinalot sa left foot ko.

"Utos ni Fritz para magtanda ka daw na ingatan ang sarili..." paliwanag ni Mika with a smile on her face. Ngudngod ko mukha nito eh! Waaah! Naman! Ang sadista ng Kuya ko!

“Hanggang kailan?”  turo ko sa naka-cast na paa.

“More or less one month.”

Nanglaki ang mata ko sa sagot niya. More or less one month? One month?!! One month akong magtitiis na naka-semento ang paa?!

“ANAK NG DINOSAUR! TAKE THIS OFF!” sigaw ko.

*PLAK*

Napakahilig manghampas ng babaeng ito.

“HUWAG KANG MAG-INARTE DIYAN HA! SIGE NA BABU..!!!.” Matapos akong hampasin ng isa pang beses, nagtungo na siya sa pinto.

HEY! Saan ka pupunta?”

“UUWI NA! DADATING NA KASI YANG KUYA MO PARA SUNDUIN KA AT AYAW KO SIYANG MAKITA! SAYONARA!”  pagkasabi noon ay tuluyang na siyang lumabas ng kwarto at pabalyang isinara ang pinto.

Naman!

Ayaw niya palang makita si Kuya eh bakit siya nagtitiyaga na magtrabaho in the same hospital as him. Kapag nga naman in-denial. Hmp!

… end of flashback …

Matapos mag-hilamos at magmumog, bumalik na ako sa kama at naupo ng naka-sandal sa headboard. Ipinatong naman ni Nanay Beth ang tray ng pagkain sa lap ko.

“Sige na hija, kumain ka na para maka-inom ka na ng gamot.” sabi niya with matching mustra pa ng kamay. Hanggang ngayon parang bata niya pa din kami tratuhin.

“Opo.” Matipid kong sagot.

Naupo siya sa gilid ng kama ko at pinagmasdan akong kumain. Kung sa iba-iba, nasipa ko na sila. Ayoko kasi ng pinagmamasdan lalo na pag nakain, nakaka-concious. Eh kaso si Nanay Beth ‘to eh.

Sina Kuya nga po pala?”

“Maagang umalis si Michael, may practice daw. Si Fritzgerald naman ay kaka-alis lang. Ipinagbilin niya nga na dito ka na lang maglagi sa kwarto mo. Iaakyat ko na lang dito ang pagkain mo at kung ano pa man na kailangan mo para hindi ka mahirapan sa hagdan.”

Napaka-bait naman ni Kuya. Samantalang kagabi na-second degree burn ako sa mga sermon niya. I voiced my sentiments out loud.

Concerned lang masyado sa’yo ang Kuya mo. Ikaw naman kasing bata ka, ingatan mo yang sarili mo!”

“Nay naman eh….” Napabuntong-hinga na lang ako. As usual, kampi na naman si Nanay Beth kay Kuya. Daya! May favoritism...

Biglang tumunog ang cellphone ko. May nag-text. Dadamputin ko na sana kaso hinampas ako ni Nanay sa paa, dun sa walang cast.

Mayumi: Although She's Not The Shy Type©  (Unedited)Where stories live. Discover now