He still couldn't move. Hindi niya alam papaanong nagpa-manipulate siya sa mama niya. She made him think of the worst about Melody.

Hinayaan niya ang sariling maniwala. Ofcourse! Hindi kayang gawin ni Melody iyon! But, what about the child? Totoo kaya ang tungkol doon? Louisse didn't answer that question. So maybe it's for him to find out.

He fished his phone from his back pocket and called the one last person who can help him find her.

"Mang Jimmy, si Kristian po ito. Alam niyo po ba kung saan papunta ang medical mission?" Walang patid na sabi niya rito. Wala na dapat masayang na panahon. Three years is long enough.

"Hay, sa wakas."
Nagulat siya sa isinagot nito.
"Tagal na nito boy ah, bakit ngayon pa?"
Ibig sabihin may alam din ito sa dahilan ng pagsunod niya sa medical mission? Papaano?

"Mang Jimmy, alam niyo po ang tungkol saamin ni..."

"Ni Melody. Oo, noong..." pinutol nito ang sasabihin na parang iniisip pa kung sasabihin niya pa ba dapat ang katuloy.

"Sa Capas, Tarlac ang Medical Mission. Sa Barrio Taib. Nandoon na ang iba at papunta pa ang iba doon. May flight na sila mamaya."

Sa wakas! Makikita na niya si Melody!

"Maraming salamat po, Mang Jimmy! Thank you po talaga!"

Agad siyang umuwi at nag empake ng gamit. Wala doon ang mama niya at ayaw niya parin itong makita kaya naman lagi lang siyang umaalis ng bahay. So opisina naman ay di rin sila nagpapangabot. Marami pa silang paguusapang mag ina pero hindi muna ngayon. Baka manipulahin nanaman siya nito at lalo pang hindi mapuntahan si Melody.

Tumawag siya kay Angel para ibalita ang plano nito. Agad namang nagsabi na sasama siya at magkita na lang daw sila sa airport. Hindi niya alam bakit biglang gusto nito sumama pero hindi na niya ito pinigilan. Besides, kailangan din naman niya ng makakasama. He'll need all the support he can get.

Tinawagan niya na rin si Yñigo dahil sa Tarlac lang din ang Farmhouse ng mga ito. Kung iisipin, parang ngayon ay naka ayon sa kanya ang lahat. He could finally see her, after three years!

Agad silang naka kuha ng ticket ni Angel, mabuti na lang at may bakante pang upuan sa eroplano kaya ngayong gabi lang din ay makaka alis na sila.

Pag pila nila papasok sa loob ng eroplano ay nakita niya ang dating doktor.
Si Doctor Mike.
Nagkasalubong ang mga tingin nila at agad na nakilala siya nito. Mapapansin ang pagaalangan ng doctor, pero sa huli ay lumapit sa kanya si Doc Mike para batiin siya.

Matangkad at matipunong doktor ito. Nasa internship pa lang siya noong naging pasyente siya nito. Nasa late twenties palang yata kaya naman pinagseselosan niya noon, lalo na nang nagyaya ito kay Melody para mag kape.

"Hey, Kristian! How are you?"

"Great! Where are you off to?" tanong niya rito. Alam naman niyang may medical mission sa Pilipinas pero maganda na ang nag tatanong.

"There's a Medical mission in the Philippines so the team is going there. Every year the doctors and nurses turn shifts to go there for the mission. This is my third year though." Masayang balita niya rito.

"I thought you guys turn shifts?"
"Yeah, i just love going back and to visit my family. Besides, there are only few orthopedic doctors in the hospital and the rest of them don't want to go, so i take it as an opportunity."

Mukha nga yatang masaya itong pumunta ng Pilipinas. Halatang may itinatago ito sa ngiti niya. He looked like a smitten dog.

"So, how about you? Where are you off to?" tingin nito sa kanya at sa kaibigan.
"I-uh... We're going to my cousin's place." palusot niya rito.
"Oh, right!"
Pareho na silang natahimik.
"Hey, uh, I gotta go back, the others will be looking for me, so... Nice seeing you around!" Tinapik siya nito sa may bandang balikat at umalis na.

200 Pounds Of TLCWhere stories live. Discover now