Chapter 20: Connection

Start from the beginning
                                    

"Shut the fuck up!" Naitikom namin ang dalawang bibig namin ni Jater.

Kasalukyan kaming naglalakad papunta sa cafeteria at hindi matanggal ang mga matang nakatitig sa amin. Pinipigilan nilang tumili dahil panigurado ay sunog ang mga bunganga nila. May mga nagpapapansin sa amin at mga papansin na talaga. Ang mga iba baka kulang sa pansin! Well, kung ako ang mga babaeng 'yan ay baka sinunggaban ko na ang nag-iisang hot na si Kairo.

"Omg! You're so handsome."

Kinindatan ko naman ang nagsabi no'n at mukhang nangisay siya sa kilig. Pfft.. Mga babae nga naman!

"Siya 'yong sinasabi kong gwapo sa'yo!"

Ngumiti naman si Jater sa mga babaeng nagkukumpulan. Tingnan mo 'tong lalaking 'to! Masiyadong papansin! Ako kaya ang tinutukoy ng babaeng 'yon!

Bigla namang sumulpot sa harapan ni Charlie si Thony kasama ang kaibigan niyang si Lei. Bakit si Lei lang ang kasama niya? Where is Trina?

"Hi, Charlie! How are you? Sayang sana sumama ako! Sabi kasi nila nagkaroon daw kayo ng mission sa mundo ng mga normal na tao?"

Humalukipkip na lang kami ni Jater sa gilid. Mukhang susubukan na naman ni Thony na magpapansin kay Charlie.

"So? Get out of my way."

Gusto kong humagalpak sa tawa ngunit pinandilatan ako ni Jater. Mukhang nainis si Thony kaya padabog itong naglakad palayo. Napahiya, eh.

Binilisan na ni Charlie ang paglalakad at padabog na binuksan ang glass door ng cafeteria. Muntik na ngang mabasag ang glass door sa ginawa niya. Marami na namang gustong tumili sa loob ng cafeteria. Bakit ba kasi biniyayaan ako ng ganitong kagandang mukha? Hayss...

"Haha! Kawawa naman si Thony!" natatawang sambit ko nang makaupo na kami.


"Bakit naman gano'n ang trato mo sa kaniya? She likes you, right?" tanong ni Jater kay Charlie.

"Tss. She's not my type and I hate women like her. Papansin." Napa-iling na lang ako.

"Sa bagay, si Selendria ba type mo?" pang-aasar ko. 

Nahulog naman ako sa upuan ko dahil inilagan ko ang fire shuriken na binato sa akin ni Charlie. Pinaapula naman agad ni Jater ang fire shuriken na 'yon gamit ang tubig niya dahil kung hindi ay tuloy-tuloy lang 'yon sa kung saan.

"Chill, bro! I was just kidding!" nangangatal na sambit ko. Nakakatakot pa naman siya ngayon.

"Noong unang nagpakita si Selendria sa pangitain ni Principal Grey ay 'yong nasa panganib siya at pangalawa ay papasok siya rito kasama ang tatlong babaeng kaibigan niya." Napatingin ako kay Jater na seryosong nag-iisip.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Where stories live. Discover now