Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko at bakit ako tumabi sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ko at nag selfie na sila ang background. Di ko maiwasang ngumiti ulit nang tignan ko ang picture namin. Haha. Para kaming isang pamilya!!! Inihirig ko ang ulo ko dahil nga medyo siksikan na kami dito, tinignan ko muna si Jenny saka ako natulog .

Nagising ako dahil sa pangangalabit ni Chloe.

"Wag kang malikot Chloe, baka magising ang mom-- este ate Jenny mo."

Argh!! Ano ba tong pinagsasabi ko!!

"KUYA Sepoy, kailangan ko nang maligo"

Tinignan ko ang relo ko. Alas kwatro palang ng madaling umaga ah... Pero sige nalang, baka magising pa si Jenny dahil sa kakulitan ng isang to. Tinulungan ko syang magsuot ng tsinelas saka kami lumabas.

Tapos na akong maligo, nauna na rin akong kumain, pinasasama kasi ako ni tatay Cardo sa gym, magpapatulong sila sa paghahanda doon.

Pumasok mumuna ako sa kwarto . Tulog parin sya. Ang amo ng mukha nya pag tulog, di halatang halimaw siya. XD

'Pano magiging tayo kung iba naman ang palaging kasama mo?'

Naalala ko na naman ang text nya. Napangisi nalang ako saka pinisil ang ilong nya.

"Ang selosa mo pala!"

Naramdaman Kong gumalaw sya kaya tinigil ko na ang pagpisil sa ilong nya. Tinignan ko syang muli bago tuluyang lumabas ng kwarto.

****
Ansakit na nang likod ko andami Kong binuhat na mesa at mga upuan. Konting oras na lang at magsisimula na ang palaro dito. Tuwing pista talaga may ganito. Pero, Hindi pa rin dumadating si Jenny.-at si Yaya.

Mga ilang minuto pa ay dumating na sila.

Napamaang ako sa ayos ni Jenny. Di ko akalaing magmumukhang tao pala sya ngayon. Nabalik lang ako sa katinuan ng tapikin ako ni ate Claire.

Medyo nawalan ako ng gana nang mabanggit ni ate sina mommy, TSS.. Natalo tuloy kami sa sack race, nakatanggap pa tuloy ako nang sapak mula Kay Chloe. Di Bali na, nakita ko naman ang epic na tawa NI Jenny.

Mga bandang alas singko ng hapon eh naghanda na kami pauwi.
Medyo natagalan pa nga kami kasi ayaw bitawan ni Chloe si Jenny. Gusto ko sana syang isama pero next time nalang siguro, wag ngayon.

Dumaan muna kami sa ancestral memorial park namin. Birthday kasi sana ni mamita ngayon.

Nang makarating na kami eh nahalata ko ang pagkamangha sa mukha ni Jenny. Antanga lang, pucha. XD

Di ko na muna pinansin si Jenny, dumiretso ako sa puntod ni mamita. Medyo matagal tagal narin bago ko sya nadalawng muli. Miss na miss ko na sya, sya lang kasi ang tao na nagparamdam sa akin kung ano ang pamilya.

"Birthday nya ngayon?"

Nagulat ako dahil bigla-bigla nalang nagsasalita tong kasama ko dito.

Tumango nalang ako bilang tugon sabay sinde sa kandila na nasa gilid ng lapida ni mamita.

"Isa rin to Sa mga rason kung bakit nandito tayo ngayon." Nasabi ko nalang bigla.

IT STARTED WITH A TEXTWhere stories live. Discover now