....
Kanina pa ako patanaw tanaw dito sa labas ng gate Nina Jenny. Ang tagal naman nyang lumabas....
Nang matanaw ko na sya ay pina andar ko na ang motor ko. Di na ako nag kotse, mas exciting pag motor ang gamit eh. ;)
Iba talaga tong babAeng to. Ang slow, napaka slow, ang hirap pasakayin. Di man lang natinag sa pagpapa angas ko?!! TSS. Nasigawan ko pa tuloy.
Ang tahimik ng buong byahe kaya binilisan ko na lang yung pagpapatakbo ko. Pero langyang Jenny, di man lang kumapit sa akin!! Babae ba talaga to? Sinasadya ko ngang dumaan sa medyo mabato na daan pero takte! UMUUSOG BA NAMAN!! Haist. Uy. Gusto ko lang asarin sya huh! WLa akong ibang intensyon!
Nakarating naman kami ng buhay kina yaya. Humingi din kasi si Manang ng pabor sa akin na dalhin ko daw tong babaeng to para narin makapasalamat cya sa ginawang pag-aalaga sa akin nung may sakit ako. Di ko naman masabi sabi sa kanya kaya yung ginawa ko kanina ang tanging paraan na naisip ko. Pinabili ko na lang rin ng mga bagong damit si yaya dahil alam Kong di na to makakapagbihis pero syempre, sinabi Kong wag sabihin na galing sa akin yun. Nakakatawa nga ang palusot ni yaya eh, pinaglumaan daw ni ate Claire? Eh buong buhay nya eh damulag na yun!! XD
Pagkatapos naming kumain eh namasyal na kami. Pinauna ko nalang sina manang dahil alam Kong matatagalan tong isang to.
Paglabas ni Jenny, di ko mapigilang mapatitig.
Okay, inaamin Kong maganda cya pero literal na tumingkad ang kanyang ganda ngayon, siguro dahil ito sa suot nya.
Habang naglalakad kami, pansin Kong Panay ang yakap nya sa sarili nya kaya ibinigay ko na lang ang Jacket ko sa kanya . Ang talino kasi, alam nang gabi na , nag su-summer dress pa eh alam ko namang hindi siya sanay.
Maglalakad na sana ulit ako pero pansin Kong sa kanya tumitingin ang mga taong dumadaan sa amin. Di nya siguro yun napansin, sabagay, manhid nga pala to.
Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng inis .... Di ko gustong tumitingin sila sa kanya kaya nahawakan ko ang kamay nya bigla.
Kahit ako eh nabigla rin sa ginawa ko. Mabuti nalang talaga naniwala sya sa rason ko.
Masaya ako't naramdaman Kong namangha siya sa mga nakikita nya ngayon. Mas gumaganda talaga sya kapag ngumingiti. Ewan ko ba, parang gusto Kong ako lang ang dahilan ng pag ngiti nya.
Maraming mga bagay akong na experience kasama sya ngayong gabi. Di ko nga akalaing naglalaro pala to ng color games. Ang saya lang, muntikan na syang nakipag rambol dun sa tumawag sa kanya ng maliit. XD.
Nakaka banas yung mukha ng bakla duon sa videoke stand! Langyang Jenny, mababayaran ko naman talaga yun eh! Kung d lng sana sya nag inarte. Pero okay na rin yun, at least narinig ko ang boses nya. Okay lang naman ang boses nya, ewan ko ba, pero parang na magnet ako ng tumingin ako sa kanya. Wag na nga natin tong pag usapan!! Nakaka bading eh!!
Pagkatapos naming kumanta eh naglibot-libot muna kami kasama na sina yaya.Napansin Kong Panay ang tingin nya sa may nagtitinda ng rabbit. Nakakaawa ang mukha nya ngayon, yung parang bata na Hindi binilhan ng ice cream ng Nanay niya. XD
Gusto ko sana syang bilhan pero nandito kasi sina yaya , nakakahiya, baka iba ang isipin nila.
Nauna nang umuwi sina Jenny kasama sina Chloe at yaya.
Pumunta pa kasi kami kina tatay Crisbal.
Nag kamustahan lang kami pagkatapos non ay umuwi narin kami pero tumigil muna ako sa may tindahan ng rabbit. Bumili ako ng dalawa, ipapadala ko nalang siguro to sa bahay ko.
Nang makarating ako sa bahay nina Yaya eh dumiretso na ako sa kwarto. Napangiti na lamang ako sa aking nakita. Si Chloe at Jenny na magkayakap na natutulog sa iisang kama. Ang cute nilang tignan.
YOU ARE READING
IT STARTED WITH A TEXT
RomanceTitle: It started with a text Author: sip123 Link: https://www.wattpad.com/story/35124941-it-started-with-a-text Prologue: I never knew love. I didn't experience to have a special someone either. Well, except for my family and friends of course. And...
GOING HOME
Start from the beginning
