Chapter 8

16.8K 421 13
                                    

***

Mike's POV  



It's been almost two years. Halos dalawang taon na ang nakalipas magmula ng iwan ko si Marg, and until now masakit pa rin.

Napahilamos ako ng mukha kong ramdam ko ang pagod. My life is completely miserable. I made the wrong decision, akala ko ito ang nakakabuti sa amin lalong lalo na sa kanya. I still vividly remember her face bago ako umalis. How stupid of me! I will regret this for the rest of my life!

"Paging Dr. Montecillo, to Emergency please"

Rinig ko ang paging sa ospital at tunog ng bleeper ko.

Napatayo akong kinuha ang white coat ko. This is my diversion sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. My life is complete mess.

Sana lang ay hindi ko pinagana ang rasyonal kong pag iisip at sinunod ko na lamang ang puso ko. Nagsisi ako! Nagsisisi talaga akong iniwan siya!

Ramdam ko ang pagiinit ng sulok ng mata ko. Hanggang ngayon ay di ko matanggap ang pagkakamaling nagawa ko.

Flash back

"What do you mean Michelle?" diretso kong tanong sa kapatid ko.

"Uh...ah. Eh k-kuya"

Hindi ko napigilang lumapit pa.

"Michelle!"

Ramdam ko ang takot sa mukha niya.

"Eh k-kuya kasi po..."

Napalukot ako sa mukha ko sa frustration.

"Anong ibig mong sabihin na hindi mo nakikita si Marg sa University?!" hindi ko na napigilang sigaw.

"Michelle!"

"Wala na siya Kuya, hindi ko na siya nakikita doon, pagkatapos mong umalis, ilang buwan ko siyang hindi nakikita kaya pumunta ako sa block niyang nag drop daw siya ng subjects niya at kumuha daw clearance sa school" paliwang nitong medyo nanginginig pa.

"What?!" ani kong ramdam ko ang frustration.

"K-Kuya please wag kang magalit... m-may sasabihin pa po ako" aniyang medyo naiiyak pa.

Halos nagiigting ang panga ko sa galit. What the hell is happening?This is not what I planned for! Babalikan ko siya kapag naayos ko na ang mga problema sa ospital! Minamadali ko iyon!

"A-ano yun?" ani kong mas malumanay na pilit kumakalma ngunit parang sasabog ang dibdib ko. I thought this the best for her. Ang ipagpatuloy ang pagaaral niya at ang pangarap niya!

"Please don't tell dad na sinabi ko sayo. I heard from one of her classmate that she lose her scholarship" aniyang napaupo ako sa sofa. Ramdam ko ang init ng mukha ko sa galit. I'm trying to do what's best for her yet it ruined everything. I can't imagine kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Naninikip ang dibdib ko sa frustration at galit.

"K-kuya..."

"P-paano nila ito nagawa sa amin? hindi tumupad si daddy sa usapan?" halos naghihina kong bulong sa sarili.

"Kuya..." halos nanginginig na ani ni Michelle.

Umangat ako ng tingin kahit alam kong namumula ang mata ko. Hindi ko maitago ang sama ng loob ko at hinanakit ko. Kuyom ang palad ko, nagawa ko naman ang usapan namin ni Daddy naiangat ko ang ospital, I liquidated some of our assets sa mas mataas na presyo.

" I have to see her..." usal kong bulong na napatayo. I need to see her.

"Kuya" ani ni Michelle na humawak sa braso ko.

Almost Over youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon