Chapter 2

25.4K 440 11
                                    


A/N : Susubukan ko lang po ang double POV, alternate siya with Marg. Wag masyadong mag expect at mangangamote ako dito. Thank you!


***


Mike's POV


"Anong problema?" Nagmadali akong magpunta dito sa University ng maramdaman kong may dinadala si Marg at malungkot na tumawag sa telepono ko.

"Wala naman Mike, pansin ko kasi si Daddy parang laging stress at mukhang pagod" sagot niyang pagod. Kilala ko si Marg kahit gaano niya itago ang emotions niya, alam na alam ko kung kelan siya malungkot at namromroblema.

"Baka naman panay ang OT sa office?" tanong ko ng pansin ang pagka aligaga pa rin nito.

"Oo nga panay ang overtime din niya" sagot nitong may lungkot pa rin sa mukha. I hugged her from the back. Ipinahinga ko ang baba ko sa balikat niya. Amoy ko ang pabango nito at shampoo na gamit niya.

I love her scent, naadik na nga ata ako sa amoy niya. Medyo nanlulumo pa rin ito and I hate it! I hate seeing her lonely, I hate when she's crying.

"Hayaan mo, I'll check it with Tito Manny" aniyang pumigil agad ito.

"No! wag! Ayaw ni Daddy ng ganoon, labas ang relationship natin sa trabaho niya" aniyang protesta.

Napatingin ako sa kanyang nag aalala pa rin. Nasa Finance section ang Daddy ni Marg under kay Tito Manny na kapatid ni Daddy sa hospital namin. Nasa unang taon ako ng residente samantalang nasa unang taon ng Proper Med naman si Marg. Naalala kong walang pagsidlan ang tuwa niya ng pareho kaming makagraduate noong isang taon.

"How can I make you feel better then?" tanong kong yumakap dito.

Ngumiti ito. Sa isang ngiti pa lang niya ay ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Isang ngiti pa lang niya ay sapat na sa akin para maging maganda at kumpleto ang araw ko.

I am so in love with her. It is her smile that caught my attention before kaya sinundan ko siya ng sinundan like a sick puppy just to get her sweet yes.

"You know that you're my comfort zone Mike, yung nandito ka lang sapat na. Alam kong mahalaga sayo ang oras mo, yet hindi ka nawawalan ng oras para sa ating dalawa" aniyang humarap sa akin at humawak sa magkabilang pisngi ko. I can feel the beat of my heart, and it's fast! Nagkaka tachycardia na yata ako! Er... with palpitation?

"Konting time pa Love, and we will be together 24/7" sagot kong hinigit ito sa dibdib ko.


*

"Where have you been Kuya?" sumbat ni Michelle, nakakabatang kapatid ko.

"Why? I'm with Marg" sagot kong kunot noong marinig ko ang ingay sa itaas, boses iyon ng mga magulang ko at kapatid ni Daddy.

"What's happening?" tanong ko.

"Kanina pa sila ganyan, aalis muna ako baka masira ang eardrums ko dito sa lakas ng sigawan nila" aniyang nagmamadaling lumabas ng bahay.

Tumungo ako sa study area ni Daddy.

"Dy..."

"Mabuti naman, naandito ka na" malamig na tugon nito. I can feel the tension inside the room. Nasa tabi ni Mommy si Daddy na pilit pinapakalma. At nasa kabilang sofa ang mga kapatid niya at pinsan ko.

"Ano pong problema?" tanong ko.

"We have a problem here " panimula ni Mommy.

"The family legacy, we're facing a huge crisis, ang ospital ng lolo mo" ani ni Daddy.

Almost Over youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon