Chapter 5

17.8K 422 36
                                    




***


Mike's Pov.


Kahit ako ay ramdam ko ang pagod. I hate myself for hurting the love of my life, My Margarette... kung pwede ko lang siyang yakapin muli. It's the best na nangyari yung sa condo, at least mas madali siyang makakamove on sa akin.


Flashback

"Mahal mo ako diba?" garalgal na tanong nito.

Ang sakit sa dibdib na nakikita ko siyang ganito, ngunit ipit ang sitwasyon namin. Kailangan kong gawin ang dapat. Sa ilang taon na magkarelasyon kami ay iniiwasan kong sumama ang loob niya sa akin, ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan ngunit ngayon ramdam ko ang paghihirap niya para sa amin. Mas dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon na nakikita ko siyang ganito. I love her so much... but things don't go in our way, kompikado! She is at stake here, ang pangarap niya... ang daddy niya... ang pamilya niya.

Pinag isipan ko ito ng maraming beses. Ito ang mas nakakabuti sa kanya.

"Leave Marg" matigas kong sagot. Pilit din akong nagpapakatatag.

"Mike... please, don't this" aniyang lumuluha na yumakap sa akin. Gusto ko na lang siyang yakapin pabalik at ilayo sa lahat ng ganito ngunit alam kong mas magiging komplikado.

"Just leave..." ani kong kumalas at pumasok sa loob. Parang nanninikip ang dibdib kong napasandal sa pinto. I love her to death ngunit papaano ko nagagawa sa kanya ito? Bakit hindi umaayon sa amin ang panahon?

Ramdam ko ang pagiinit ng mata ko.


"Mike..." Si Elise.

Nilagpasan ko siyang paakyat.

"Mike..." alam kong nakasunod siya.

Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya.

"Malapit nang matuyo ang damit mo, pwede bang umuwi ka na pagkatapos?" ani ko.

"I can stay here if you need some company" aniyang humawak sa braso ko. Napaiwas ako.

"I don't need a company Elise, pwede bang umuwi ka na?" irita kong sagot.

"Mike.. I-" aniyang sinabaran ko agad.

"Just leave Elise! I want to be alone right now! I don't need you!" sigaw kong pumasok sa kwarto ko.

Hindi ko napigilang sumuntok sa pader.

Nagwala ako. Binasag ko ang lahat ng mahawakan ko.

Damn! Damn it! I am hurting!

I hurt Margarette!

I hate myself! I hate the fucking situation we have!

Napaupo ako sa sahig. I am good as dead inside.

Pwede bang maging impulsive na lang at hindi rasyonal or logical na pagiisip ang gawin ko? Mas makakabuti ba iyon sa amin? Pwede bang itakas ko na lang siya at lumayo sa lahat ng ito?

I can imagine how hurting she is right now... and it's killing me.


*

Lumipas ang araw na ganoon na lang. Pinipigilan ko ang sarili kong makita siya. Alam ko ring hindi siya pumasok sa University.

Sa kabila ng nagawa ko, she's still trying to reach me. I ignored all her calls and messages. Sinadya ko pang si Ate Elaine ang sumagot sa ilang tawag niya.

She sent me another messages.

"Let's talk..."

"Kung may natitira ka pang pagmamahal para sa aki kaunti, meet me."

"Hihintayin kita"

"Please let's meet at the park, in our park.

In our park. That is our special place, doon niya ako sinagot.


*

Tanaw ko siya sa park. Ang laking ipinagbago niya, mukhang nagbawas rin ng timbang. Bakas sa mukha niya ang sakit... sakit na ibinigay ko. I am hurting too but I don't have any choice, mas masasaktan siya kapag nakulong ang daddy niya at mawala ang scholarship niya... I need to sacrifice for us.

Ngayong gabi rin ang flight ko. I am watching her from afar for the last time, bago ko tinext si Tito Art na naandito si Marg.

Namumugto ang mata niya, ramdam ko ang pagod niya. Tulala siya na paminsan minsang lumilinga sa paligid.

I am dying to hug her... embrace her, dalhin sa bisig ko.

"I 'm sorry Love..." bulong ko.

"I 'm so sorry for being cruel to you" ani kong ramdam ko ang paninikip ng dibdib kong naiisip na magkakalayo kami ng tuluyan.

"Sana mapatawad mo ako... on the future"

"I love you..."

Then I left.


***

This is only short update. Sumubok lang ako ng double Point of view, at ang ending mahirap pala ( nangangamote ako lol!)

Almost Over youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon