4: About Our Past

Start from the beginning
                                    

Ako: Pinaparinggan mo yata ako?

Lienne: Tinatamaan ka?

Ako: Di naman masyado. Daplis lang.

Lienne: Tss!

Francis: Well. Bukod sa amin, may nakikita pa akong bubuo ng heart sa future.

Lienne: Sino? Kame? No way! Maging puti na ang uwak!

Tiffany: Well... Let's see.

End of Jaycee's POV

Lienne's POV

Kainis talaga 'tong Jaycee na 'to. Gustong-gusto ko na talaga siyang tirisin na parang kuto! Di ko na pala siya crush. Di ko type ang masusungit.

Pabalik na kami ng room ngayon. Pati yung dalawang engineer, bumalik na sa building nila. Habang naglalakad kame, lahat yata ng mga estudyante dito pinagtitinginan kame. Di ko pa pala nasasabi sa inyo, lahat kaming barkada puro mga artista. Kaya ganyan nalang sila makatingin. Talagang malulusaw ka.

Francis: Pustahan tayo.

Tiffany: What?

Francis: At the end of this dare, magkakadevelopan sina Lienne at Jaycee.

Jiro: Eh hindi ako dyan. AKIN si Lienne eh.

Francis: Ano pusta mo?

Jiro: IPHONE 5. Ikaw?

Francis: IPAD TOUCH.

Jiro: Call.

Ako: Aba mga lokong to! Pinagkakitaan pa ko.

Francis: Peace!

Jiro: Hehe.

Tiffany: Uy! Aeriel kanina ka pa walang imik.

Aeriel: Huh? May iniisip lang.

End of Lienne's POV

Aeriel's POV

Tiffany: Uy! Aeriel kanina ka pa walang imik.

Aeriel: Huh? May iniisip lang.

Ba't kase nagbalik pa 'to eh. Kung kailan nakaka-move on na ako. 4th year high school nung naging kame. 4 years ago. Pero hanggang ngayon di pa rin nakakalimutan yung feelings ko for him. Ewan ko lang siya kung wala na siyang feelings for me.

Nakabalik na kami ng room.

Discussions.

Blah.

Discussions.

Blah.

*kriiiiiiiing*

Huuuw! Buti nalang at dismissal na. Nakakaboring mag-aral.

Lienne: May problema ka ba?

Ako: Uhmmm. Ah. Eh. Wala.

Lienne: Sure ka?

Ako: Yeah. Yeah. Ayos lang ako.

Lienne: Sige. Sabi mo eh. Basta, pag kailangan mo ng kausap, andito lang ako..

Ako: Sure. Di ako mahihiya. Hahaha.

Lienne: Sige. Bye. Una na ko. Take care.

Umalis na siya. Gusto ko mang magkuwento pero, may part yung isip ko na nagsasabing wag, di pa ito yung tamang panahon para magkuwento ako. Di bale, hahanap ako ng magandang tyempo..

Papunta na ako ng carpark. Nang makita ko si Jaycee. Dinisregard ko lang siya pero...

Humabol pa rin siya.

Jaycee: Can we talk?

Ako: Kailangan ko na kasing umuwe.

Jaycee: Sandali lang to. 20 minutes.

Ako: Kase--

Di na niya ako pinatapos magsalita. Nafreeze na ako dito..

Jaycee: Please?

Ako: Okay.

Wala na akong nagawa. Sumakay kame sa kotse ko para dun mag-usap, baka kasi may makarinig sa amin. Pero, bukas yung bintana at patay naman yung aircon. Wala na rin namang masyadong estudyante..

Walang nagsasalita. Ang awkward. Unahan ko na nga.

Ako: What now? What are we going to talk about?

Jaycee: US. About us.

Ako: Can't you accept the truth? Wala na tayo.

Jaycee: Why? Iniwan mo ko.

Ako: Yeah. Iniwan kita dahil hindi na kita mahal.

Jaycee: Pero... I can't state the truth. Why? May mga tanong pa ko na di pa nasasagot.

Ako: Jaycee, four years had passed. Di na dapat asinan ang mga sugat ng nakaraan.

Jaycee: Pero bakit? Sagutin mo lang kung bakit at di na kita kukulitin FOREVER!

Ako: I don't love you anymore.

"Ay!"

Huh? Sino yun? Tumingin ako sa labas pero wala naman. Baka guni-guni, masyado kase kameng seryoso.

Di siya umimik. Alam ko masakit, masaket para sa aming dalawa. Pero, kailangan eh. Di ko muna siguro sasabihin yung dahilan kung bakit.

Bumaba na siya ng kotse ko. Alam ko gusto na niyang umiyak. Kilala ko siya. Kilalang-kilala. Ako nga lang at ang Mama niya ang babaeng kinakausap niya dati eh.

Inistart ko na yung kotse ko at umuwi na.

</3

Dare to Forget Her and Fall In Love With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now