Hot Bachelor 3: Sweetest Trap (SPG) oneshot

शुरू से प्रारंभ करें:
                                    

Nauna siyang bumaba dala ang gift para sa baby. Dahil sa pagmamadali ay hindi niya namalayan na may naka-usling bato sa daraanan niya. She tried to save herself pero hindi pala ganoon kadali iyon kaya natumba pa rin siya at tumama ang legs niya sa kalsada. Gusto niyang maiyak sa sakit pero tiniis nalang niya. Nasa kalagitnaan siya ng pagkuha ng balanse ng biglang may bumuhat sa kanya.

"Dwayne!" Gulat na usal niya.

"Masyado kang takaw sa disgrasya Yuri mag-ingat ka naman."

"Pasensya na but thank you na rin." Akala niya ay aalis na ito tulad ng kanina pero nanatili ito sa tabi niya baka hinihintay siyang mauna. And she did walk kahit medyo masakit pa rin ang binti niya.

"Do you want some help?"

"Hindi na, salamat nalang." Binilisan niya ang lakad hanggang sa makaabot siya sa reception. Agad niyang hinanap ang mag-asawa kasama ang bagong binyag. Napangiti siya ng makita ang mga kaibigan niya.

"Yuri! You finally made it." Salubong ni joey.

"Sorry if na-late ako." Bumo-blooming itong babaeng ito nakakainggit lang. Iba na siguro talaga kapag inlove. Gusto niyang malungkot dahil once lang nga siyang mainlove unrequited pa. Matagal na iyon at saka nakamove on na siya dahil may asawa na ang ex-love niya.

"Yurika!" Napangiwi siya ng marinig ang buong pangalan niya.

"Ally!" Sinalubong niya ang kaibigan na mas lalong gumanda ngayon karga ang anak nito.

"Wow, ang gwapo ng baby mo. Whats his name?"

"Allyxel Cash."

"AC nalang for short." Biro niya. "Pwedeng pakarga?"

Nang sumayad sa mga braso niya ang bata ay parang gusto niyang mapaiyak sa saya. Gusto din niyang magkaroon ng anak na gaya nito.

"Bagay pala sa iyo ang maging mommy." Komento ni joey.

"Talaga?" Napangiti siya sa sinabi ng mga ito. "Gusto ko rin ng anak."

"Bakit hindi ka pa nag-aasawa?"

Napangiwi siya. "Walang nanliligaw eh. Mukhang tatanda na talaga ako ng maaga." Biro niya.

"Sa ganda mong iyan? Impossible."

"Oo sa ganda kong ito possibleng walang nanliligaw."

"Ang bubulag ng mga lalaki ngayon." She chuckled upon hearing Ally's comments.

Hot Bachelor 3: Sweetest Trap  (SPG) oneshotजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें