CHAPTER 55 - Seal's Last Gift (Part 1)

Start from the beginning
                                    

"Okay. Tawagan nalang kita mamaya." Sabi sa akin ni Raven at binaba na ang tawag.

Tahimik nalang akong napaupo sa gild ng kama ko at nag isip ng solusyon sa mga problema ko.

KYOHEI's


Nandito pa din kami sa ospital. Buti nalang at nadala namin agad dito si Kiyo at naagapan ang mata niya. Pagdating namin dito kagabi ay agad na inoperahan ang mata niya. Good thing at sabi ng doctor successful daw ang operation. Kailangan nalang naming maghantay na mayanggal ang benda sa maya niya para malaman kung may problema ba o wala.

Kinakabahan parin ako para sa kapatid ko. Kanina nung nagising siya, hindi siya nagsasalita. Tinanong namin siya kung sino ang may gawa nun sa kanya pero she just stared at us blankly. Hindi ko alam kung matatanggap ba niya na wala na Seal. Ayoko nang makita ulit siyang nasasaktan. Natatakot ako nab aka bumalik siya sa dati or worst, baka tuluyan ng lamunin ng demonyo niya ang buong pagkatao niya. Kapag nangyari yun, hindi ko na alam kung sino pa ang makakapag pakalma sa kanya ngayong wala na si Seal.

Damn it! Malaman ko lang talaga sinong may gawa nun kay Kiyo at kay Seal, humanda siya dahil matitikman niya kung paano mag higanti si Phantom.

"Kyohei, mauna na kami, aasikasuhin pa namin ang funeral ng anak ko. Balitaan mo kami ng lagay niya ah." Paalam sa akin ni Oji~san. Tumango nalang ako sa kanya. Alam kong masakit para sa kanya ang pagka wala ni Jun pero parang tanggap na rin niya.

Naiinis talaga ako. Ngayon lang kami pumalpak sa misyon at ang malala pa, may nawala sa amin. Naiyukom ko nalang ang mga kamao ko. Nagulat ako ng may humwak doon at nang tignan ko kung sino iyon. Nakita ko si Oji~san na matipid na nakangiti sa akin at parang sinasabi na wag akong mag alala.

"My son already felt it coming. Even I, did felt it. I know you're blaming yourself Kyohei, but please don't. I know he did it for Kiyo. Alam kong kampante siya sa pag alis niya dahil alam niyang may isang tao na papalit sa pwesto niya." Nakangiting sabi ni Oji~san.

"What do you mean by that Oji~san?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Alam kong nag aalala ka nab aka wala ng makapigil sa demonyo niya, I know that Jun already talked to that someone who can calm Kiyo's demon. You'll see him here later. So paano, mauna na kami." Sabi pa ulit ni tito bago tuluyang umalis. Kasama niya sa pag alis sila tita and their sons. Napabuntong hininga nalang ako at bumalik na sa kwarto ni Kiyo kung saan naroroon sila Kisune kasama sila Raven, Kurt at Martin. Umupo ako sa upuan malapit sa kama ng kapatid ko. Tulog na naman pala siya ulit.

"Nagsalita na ba siya?" Tanong ko sa kanila. Umiling lang sila.

"Kisune, wala ba talaga kayong ideya kung sino ang may gawa nito?" Tanong ko kay Kisune. Natanong ko na sila tungkol dito kanina pero baka kasi cloudy pa ang mga utak nila kanina at may nakaligtaan.

"Wala talaga eh, ang nakita lang naman namin doon ay si Song Yoo Han at isang miyembro ng Yaban Jin. Si Nanjiro ang unang dumating doon kaya hindi ko alam kung may iba pang tao dun." Paliwanag ni KIsune. Yan din ang sinabi niya kanina eh. Tsk. Mahirap kasing mag conclude agad. Parehong patay ang dalawa ng matagpuan nila. Pwede kasing may iba pang nakalaban sila Kiyo bukod sa dalawa eh.

"Malamang Yaban Jin ang may gawa niyan dahil nasabi nga ni Lance sa akin yung balak nila." Sabi naman ni Nanjiro. Nasabi na rin niya yan kanina eh. Everything that happened that night was all planed just to lured Kiyo. Tsk. Those dirty bastards. And speaking of Lance, nasaan na ba yun?

"Raven, where's Lance?" Tanong ko kay Raven na tahimik lang sa isang gilid.

" He cant come I guess, nandun siya sa bahay ng parents niya. For sure hindi na naman yun pakakawalan ng mga magulang niya." Baliwalang sabi ni Raven. I just smirked at him kaya napalunok lang siya at umiwas ng tingin. Akala niya ata maloloko niya ko.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now