Gitara

29 0 0
                                    

'Wise men say,

Only fools rush in

But I can't help

Falling in love with you~'

Napapangiti lang si Briana habang nakikinig sa paborito niyang kanta, Pero doble ang kasiyahan na nararamdaman niya ngayon dahil si Jake---Ang bestfriend niya, Ang kumakanta at nag gigitara nito.

'Shall I stay?

Would it be a sin

If I can't help

Falling in love with you~'

Pasaglit- saglit din namang sumusulyap sa kaniya ang bestfriend niya habang kumakanta ito. Napapapikit din ito dahil dinadama nito ang kanta.

Napakagwapo talaga nitong si Jake, Kahit saang angulo ay napaka perpekto nito. Pero hindi lang ang kagwapuhan nito ang ipinag mamalaki ng lalaki, Kundi ang ugali at talento nito. Maliban sa pagiging sobrang gwapo ay napakabait rin nito. Palagi siyang pinoprotektahan ni Jake at hindi siya kailanman pinabayaan nito. Kahit hindi nga sila mag syota ay napakasweet sa kaniya ni Jake.

Madalas nga silang pinag kakamalang mag syota.

Hay, Kung pwede lang sana. Kung sana ay totoo nalang silang mag syota nitong si Jake.

Bigla siyang nalungkot ng maisip na hanggang dito nalang ata talaga sila. Hanggang mag kaibigan na lang ata talaga sila.

Alam naman kasi niyang hinding- hindi siya magugustohan nito. Papaano ay isa lang siyang simpleng babae, at marami pang mas maganda diyan kaysa sa kaniya.

Kaya sino ba naman siya para magustohan ng perpektong si Jake?

'Take my hand

Take my whole life too,

For I can't help falling in love with you

For I can't help falling in love with you~'

Pinilit niyang ngumiti nang matapos na ni Jake ang kanta.

Gusto niyang maluha, Pero hindi niya alam kung bakit.

Dahil ba ito sa ganda ng pag kakatugtog ni Jake o dahil sa kaisipang hanggang kaibigan nalang siya?

Pumalakpak siya at pinuri ang kaniyang bestfriend, "Ang galing- galing naman ni Jake!"

Ngumisi naman sa kanya si Jake at pinisil ang kanyang pisngi, "Siyempre ako pa ba?"

"Tss." Nag yabang na naman ang kaniyang bestfriend

Pero sa isang iglap ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil hinila siya ni Jake papalapit dito at niyakap siya ng mahigpit, "Pagaling kana Briang! Miss na kita."

Nasa ospital si Briana ngayon, Inatake kasi siya ng hika kahapon habang nag lalaro siya ng volleyball.

"Magiging okay na ako, Nandito kana eh. Tsaka tinugtugan mo kasi ako ng gitara." Mabuti nalang at hindi siya nautal.

Humiwalay na sila sa isa't isa at tinitigan ni Jake si Briana ng mabuti, "Basta Briang, Mag quit kana sa volleyball ha? Nakakasama na sayo yun eh!"

Ang cute talaga ni Jake! Hindi na napigilan ni Briana ang sarili at kinurot niya na ang pisnge ni Jake.

"Ah! Aray! Briang!"

"I love you!" Sabi ni Briana habang kurot- kurot niya ang pisnge ni Jake

"Ish love shyou toosh."

Gitara (One Shot)Where stories live. Discover now